--> ABS-CBN,Usap-usapan Online! Nagbigay ng Pahayag sa Pag-Iwan ni Julius Babao sa Network... | ChikaTime

ABS-CBN,Usap-usapan Online! Nagbigay ng Pahayag sa Pag-Iwan ni Julius Babao sa Network...

   Nagsalita na ang ABS-CBN kaugnay sa paglisan ni Julius Babao sa ABS-CBN.  28 taon na naging home network ni Julius Babao ang Kapamilya ne...

 

 Nagsalita na ang ABS-CBN kaugnay sa paglisan ni Julius Babao sa ABS-CBN.

 28 taon na naging home network ni Julius Babao ang Kapamilya network bilang broadcast journalist.

Matatandaang inanunsyo na ni Julius Babao ang pag-alis niya sa ABS-CBN na siyang ikinalungkot ng mga tagasubaybay sa kanya sa ABS-CBN.

 
Nagpaalam siya sa “TV Patrol” , Disyembre 31, 2021.

“Hindi po ito pagpapaalam kundi isang pahayag ng pasasalamat sa lahat ng aking mga naging Kapamilya sa loob ng 28 taon,”saad niya.


Ayon pa kay Julius ay sa ABS-CBN niya natupad ang mga pangarap niya sa buhay at nakilala ang asawang si Christine Bersola-Babao.


Sa kanilang statement, sinabi ng Kapamilya Network na iginagalang nila ang naging desisyon ni Babao.


“We respect his decision to pursue his professional career outside of ABS-CBN and wish him well in his future pursuits,” pahayag ng ABS-CBN.



Narito naman ang official statement ng ABS-CBN sa pag-alis ng news anchor,

 “Julius Babao announced tonight (Dec. 31) on TV Patrol that he is signing off as a Kapamilya news anchor.

“Julius began his career in broadcast journalism at ABS-CBN, where he embodies the company’s mission of service for 28 years by reporting on important national issues and events, producing unflinching exposes of abuses that benefited the helpless, and serving Filipinos in need of various types of assistance through his TV and radio programs.



“We respect his decision to pursue his professional career outside of ABS-CBN and wish him well in his future pursuits.”