--> Xian Gaza, Nagulat sa Halaga ng Offer sa Kanya ng Kampo ni Manny Pacquiao para Gawin lang ito.... | ChikaTime

Xian Gaza, Nagulat sa Halaga ng Offer sa Kanya ng Kampo ni Manny Pacquiao para Gawin lang ito....

Hindi nagustuhan ng negosyante at self-proclaimed scammer na si Xian Gaza ang alok sa kanya ng mga campaign managers diumano ni Senador Mann...

Hindi nagustuhan ng negosyante at self-proclaimed scammer na si Xian Gaza ang alok sa kanya ng mga campaign managers diumano ni Senador Manny Pacquiao.

 


Sa isang Facebook post ay binatikos ni Xian ang mga campaign managers ng pambansang kamao dahil diumano sa mababang ‘offer’ sa kanya ng mga ito.



“May lumapit sa akin… partidos ng isang Presidential candidate. One post per week, 100K per post. My exact reply, “First of all, ang personal choice ko ay si Leni. Pangalawa, yung 100K ay kinikita ko ng half-day ngayon. Do I look poor? So barya. Nakakainsulto.”


Hindi man pinangalanan ni Xian ang nasabing kandidato ‘nung una ay binulgar niya naman ang pagkakakilanlan nito sa sumunod niyang post.


Napag alamanan na ang kampo nga ng pambansang kamao ang kanyang binabatikos.


Ayon sa kanya ay 100,000 pesos per post ang inalok sa kanya ng kampo ni Pacquiao ngunit imbis na matuwa ay nainsulto pa siya dito dahil hindi daw alam ng mga nag alok sa kanya na masyadong maliit ang halaga na kanilang iminungkahi.

 


“Yung isa niyo pong campaign recruiter for influencers ay nag-offer po ng 100K per post. Naniniwala po ako na hindi lang 100K ang budget na ibinigay niyo sa kanya at paniguradong sobrang laki ng cut niya.” ani Xian.



“Ako po ay sobrang nainsulto at nabastusan dahil hindi naman po ako isang Youtuber o influencer na may milyones na followers. Ako po ay isang negosyante na daang milyones ang personal net worth.” dagdag pa nito.




Ibinahagi ni Xian ang kanyang ‘balance sheet’ upang ipakita na maliit ang 100,000 pesos kumpara sa kanyang daan daang milyong assets niya.


“Higit 200 million pesos conservatively speaking, tapos ang io-offer po ng recruiter niyo sa ‘kin ay 100,000 pesos? Eh luko-luko pala siya ano po?” banat niya.


Nilinaw niya naman na hindi siya nagyayabang at pinapaalam lamang sa pambansang kamao ang ginagawa ng kanyang mga campaign managers.
 

 

May tatlong dahilan kung bakit ko po ito pinost:
1. Para aware po kayo kung gaano kalaki kumickback yung mga campaign recruiters ninyo.


2. Para aware yung mga influencers kung gaano kalaki ang totoong bigayan ngayong eleksyon upang hindi sila maloko ng mga campaign agents.

3. Para isampal sa mukha ng recruiter niyo at iyabang sa lahat ng mga followers ko kung gaano ako kayaman ngayon.” sabi pa niya.