Kumakalat ang ilang balita ngayon na nagkakagulo na sa kampo ni Go at Duterte dahil mas pinili ng Mayora na kumampi sa presidential candidat...
Kumakalat ang ilang balita ngayon na nagkakagulo na sa kampo ni Go at Duterte dahil mas pinili ng Mayora na kumampi sa presidential candidate Bongbong Marcos.
Ngayon ay agaw pansin naman ang sinabi ng aktor-host na si Willie Revillame tungkol sa ginawang desisyin ni Mayor Sara Duterte.
Inihayag ni Willie Revillame na susuportahan niya ang kandidatura ni Sen. Christopher Bong Go.
Kasama ni Go si Revillame sa pagbubukas ng 149th Malasakit Center sa San Lorenzo Ruiz General Hospital kung saan ay itinanggi niya din na pinapatakbo siya noong bise presidente ng Pangulo.
“Hindi ako pinatatakbo na vice president para maliwanag. Hindi po pwedeng labanan si Mayor Sara. Ako po [susuportahan ko sina] Sen. Bong Go for President at VP si Sara. Hindi ako politiko [pero] gagawa ako ng paraan para makatulong sa kababayan,” ani Revillame.
Naikwento rin ni Revillame kung paano siya natulungan ni Go na maibalik ang kanyang programa.
Kinausap din ni Willie si Inday Sara at tila sinasabi nito na dapat ay makiisa na ito sa administrasyon.
“Nagkausap kami ni Mayor Sara kahapon ng almost one hour, sabi ko lang ‘dapat maayos ang lahat para sumaya ang bansang Pilipinas dapat maging isang pamilya’ kasi kapag nakakakita ka ng magulo diba napu-frustrate ang bawat Pilipino,” pagbabahagi ng tv host.
Sumagot naman si Inday Sara sa kanya at naniniwala siya na ang problema ng alkalde ay ang partido ng Pangulo.
“Wala naman daw problema hindi naman daw sila magkakaaway, pero baka dahil ‘yung partido ng Presidente at ni Sen. Bong Go ay iba sa partido niya,” sabi ni Revillame.
Hindi naman daw niya tinanong ng direkta ang alkalde kung bukas ba itong suportahan si Go sa pagkapangulo.
Pero ang sinisigurado niya ang susuportahan niya ang Go-Duterte tandem at wala ng iba pa.
“Malaki ang utang na loob ko sa kanya [Go] dahil nagawa ko ‘yung gusto kong gawin na makapagbigay ng 30,000, makapagbigay ng tablet, makapagbigay ng jacket for almost two years sa ating mga kababayan,” saad niya.
Inihayag ni Willie Revillame na susuportahan niya ang tambalang Sen. Christopher Bong Go at Mayor Inday Sara Duterte.
Nakiusap naman si Willie Revillame kau Mayor Inday Sara na makiisa na kay Pangulong Duterte at Sen. Bong Go: “Para sumaya ang bansang Pilipinas”