Muling binanggit ni Cristy Fermin ang tungkol kay Vice Ganda sa kanyang programa, Cristy Ferminute. Sa episode ng commentary show, ibi...
Muling binanggit ni Cristy Fermin ang tungkol kay Vice Ganda sa kanyang programa, Cristy Ferminute.
Sa episode ng commentary show, ibinahagi ni Nanay Cristy ang sinabi sa kanya ng kanyang mga source tungkol sa umano’y ugali ni Vice Ganda sa bahay sa tuwing nakakabasa ito ng mga negatibong komento tungkol sa kanya.
“Kasi mayroon akong dalawang nakausap na sources na nakakakilala kay Vice Ganda mula ulo hanggang paa na tulad mo (Rommel Chika) na nagsabi sa akin na,
'Naku Nay, mayabang lang 'yan, matapang lang 'yan in public. Pero 'pag nasa bahay niya 'yan, praning 'yan. Hindi niyan malaman ang gagawin. Makabasa nga lang ng isa, dalawa, tatlong ano 'yan, napapraning na. Hindi na mapakali, hindi na mapalagay.'”
Ipinalabas ito ng beteranong columnist matapos mag-viral ang komedyante dahil sa TikTok video na inialay niya sa kanyang mga bashers
“Pero pagdating pala sa bahay at sila-sila na lang ang nando'n, pati mga kaibigan, pinagtatatawagan. Praning na praning.”
“Lalo daw pagdating kay Ion Perez, praning na praning 'yan. Sobrang napapraning,” dagdag sabi ni Cristy