Hindi pa tapos si Sharon Cuneta at binanatan muli nito ang kanyang mga kritiko na nagsasabi na inagaw nila ang kulay green na campaign color...
Hindi pa tapos si Sharon Cuneta at binanatan muli nito ang kanyang mga kritiko na nagsasabi na inagaw nila ang kulay green na campaign color sa local party ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Matatandaan na simula ng ilunsad ang lokal na partido ni Inday Sara na Hugpong ng Pagbabago (HNP) ay kulay green na ang isinosoot nila tuwing kampanya.
Ito naman ang gamit na campaign color ni Pangilinan ngayon kaiba sa ‘pink’ na ginagamit ng ka-tandem nito na si Vice President Leni Robredo.
Hindi naman umatras si Sharon sa mga kritiko at sinabi na noong 2001 pa lamang ay gamit na nila ang kulay green.
“It is funny how some people are claiming that GREEN is “their” color. May nagsasabi pa inaagaw daw namin! Since Kiko first ran for the Senate in 2001, green na ang kulay niya/namin!” ani Sharon sa kanyang social media post.
“So find your own color. Please. #LeniKiko2022 #Tropa” dagdag niya pa.
Sa pahayag nna ito ni Sharon ay tila nagpaparinig ito sa kampo ni Mayor Inday Sara Duterte.