--> Sen. Richard Gordon, Agaw Atensyon sa Social Media Matapos itong Maiyak sa Publiko Dahil sa Pangyayaring ito.. | ChikaTime

Sen. Richard Gordon, Agaw Atensyon sa Social Media Matapos itong Maiyak sa Publiko Dahil sa Pangyayaring ito..

Agaw atensyon sa social media si Senador Richard Gordon matapos mapansin ng maraming netizens ang bagay na ito. Hindi kasi naiwasan na nagin...

Agaw atensyon sa social media si Senador Richard Gordon matapos mapansin ng maraming netizens ang bagay na ito.

Hindi kasi naiwasan na naging emosyonal si Senador Richard Gordon sa panayam sa kanya ng ThePressRoom matapos siyang tanungin kung ano ba ang mensahe niya sa publiko.



Mapapansin natin na talagang pigil na pigil sa pag iyak ang senador habang inaalala ang mga tao na humihingi ng kanyang tulong dahil hindi sila makakuha ng gamot, oxygen.


“Kung hindi tayo magsisilbi sa tao, sino magtatangol sa tao? Hindi ko dapat iyakan ‘yan kasi hindi ko naman kamag anak, tinatamaan po talaga ako kasi mababaw ang luha naming mga Gordon,” saad ni Gordon.



Sinabi din nito na ‘taob na ang kaldero ng mga tao’ sa panahong ito at umaasa na magkakaroon ng tamang pamumuno sa bansa.


“Mr. President, taob na ang kaldero ng tao… Mga kababayan this is what is all about, maaring kayo sabihin kaya namin, pero ‘yung mahihirap walang makain, walang trabaho,  papasok sa ospital.. excuse me po, taob na ang kaldero,” saad pa nito ng emosyonal .


Maliban dito ay itinanggi din ni Gordon na hindi niya ginamit na gatasan ang Red Cross at sinabi pa na wala namang pera ang nasabing organisasyon ng pamunuan niya ito.


“Walang pera ang red cross ‘nung dumating ako, ngayon maraming pera ang red cross. Hindi ako nangurakot diyan,” giit ng senador.


Matatandaan na naging kontrobersiyal si Gordon dahil sa kanyang imbestigasyon ngayon laban sa diumano’y katiwalian na nangyayari sa kasalukuyang administrasyon.


Dahil dito ay naungkat ang mga isyu na kinakaharap niya noon katulad na lamang ng paglalagay niya ng kanyang PDAF sa Philippine Red Cross na kanya ding hinahawakan.