--> Reaksyon ni Vice Ganda sa Pagbaba ng Ratings sa It's Showtime,Ikinagulat ng Marami ang kanyang Sinabing ito na tila wala siyang Pakialam... | ChikaTime

Reaksyon ni Vice Ganda sa Pagbaba ng Ratings sa It's Showtime,Ikinagulat ng Marami ang kanyang Sinabing ito na tila wala siyang Pakialam...

Marami sa mga netizens ang bumatikos kay Vice Ganda matapos niyang sabihin ang bagay na ito tungkol sa It's Showtime. Usap-usapan ang na...


Marami sa mga netizens ang bumatikos kay Vice Ganda matapos niyang sabihin ang bagay na ito tungkol sa It's Showtime.

Usap-usapan ang naging reaksyon ni Vice tungkol sa pagbaba ng ratings ng It's Showtime. 

Hindi daw masyadong nag aalala si Vice Ganda sa kahihinatnan ng It’s Showtime.

 

Matapang na ibinahagi ng kolumnista na si Cristy Fermin sa kanyang programang ‘Take it Per Minute’ kung saan ay ibinunyag niya ang diumano’y sinabi ng komedyante noong bumabagsak ang rating ng kanilang noontime show.


Narinig daw mismo ng kanyang source ang sinambit ni Vice noong siya’y nasa loob ng dressing room at pinag uusapan ang ratings ng programa.


“Noon daw inilalampaso ng Eat Bulaga ang Showtime, itong nag-text sa akin ay nandoon mismo sa dressing room.”pagbabahagi ni Fermin.

 



“Nag-aalala daw ang mga hosts ng show baka sila ay bumagsak na dahil dumive talaga eh ang Showtime dahil sa AlDub."

“Ang sagot daw ni Vice, ‘Basta ako, may pera ako, marami akong pera. Yun daw ang sabi ni Vice,”

 
 



Nagbigay naman ng opinyon si Fermin sa mga sinabi diumano ni Vice.


“So ibig sabihin, sa anumang pagkakataon, sa anumang sitwasyon, yung pera talaga niya yung kanyang ipinagmamalaki,” sabi ni Cristy

 


“Yung kumbaga, eh ano kung mawala itong show, eh ano kung bumagsak tayo, basta marami akong pera. Parang ganun. Ayun.” dagdag niya pa.



Matatandaan na naging kontrobersiyal ang mensahe ni Vice sa kanyang mga kritiko.

 


“Now, I wanna check on my bashers. How are you guys? Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo ngayon kaysa dati? May jowa ba kayo? Masaya ba kayo? Kumusta ang nanay niyo? Pamilya niyo? Okay ba kayo? May mga bago ba kayong achievements? And yumaman ba kayo?”
banat ng komedyante.



“Ha! Hindi? Shit! Ang lungkot nun, ha! Nakakaloka! Hindi? Ang sad,
” dagdag niya pa

 

Panoorin: Link