--> Raffy Tulfo,Agaw Atensyon ang Kanyang Mensahe sa mga Taong Nag-unfollow sa kanyang Channel | ChikaTime

Raffy Tulfo,Agaw Atensyon ang Kanyang Mensahe sa mga Taong Nag-unfollow sa kanyang Channel

Nagbigay muli ng mensahe ang mamamahayag at senatorial aspirant na si Raffy Tulfo ilang linggo matapos siyang makaranas ng pambabatikos mula...

Nagbigay muli ng mensahe ang mamamahayag at senatorial aspirant na si Raffy Tulfo ilang linggo matapos siyang makaranas ng pambabatikos mula sa libo libong netizens sa social media.



Ito’y dahil sa pahayag ni Tulfo na nagkukumpara sa 16-M na bumoto kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa 42-M na followers ng ABS-CBN sa social media.



Ilan sa mga ginawa ng mga netizens ay ang pag-unfollow sa kanyang Youtube channel na Raffy Tulfo in Action kung saan ay mahigit sa kalahating milyon ang nawalang subscriber ng mamamahayag.



Sa isang panayam sa kanya nitong Oktubre 9, ibinahagi ni Tulfo na hindi masama ang loob niya sa mga tao na nag-unfollow sa kanila dahil karapatan naman daw nila ‘yon.


“Yung pag-a-unsubscribe, iyan ay isang option sa YouTube, okay. Para yung mga ayaw nang maging subscriber ng isang channel, e, puwedeng gamitin ang option na yun,” ani Tulfo.

“Sa kaso sa akin, e, may mga tao na ayaw nang maging subscriber ng YouTube channel ko, e, ine-exercise lang nila yung option na iyon, yung karapatan nilang iyon. So, wala akong sama ng loob sa kanila because option nila iyon.” dagdag niya pa. 


Sinabi rin ni Tulfo na handang handa na siya sa paninira lalo na’t tatakbo siya bilang senador sa 2022.


“In fact, hindi pa nga ako nakapag-file ng COC, meron na agad nang-iintriga. So, handang-handa na po ako hanggang sa dulo, saan man tayo makarating.” sabi niya.