Usap-usapan ngayon si Mygz Molino matapos makita ang video na kung saan ay labis itong naging em0sy0nal nang pag-usapan si Mahal. Talagang ...
Usap-usapan ngayon si Mygz Molino matapos makita ang video na kung saan ay labis itong naging em0sy0nal nang pag-usapan si Mahal.
Talagang labis ang pagiging emosyonal ng aktor na si Mygz Molino habang inaalala niya ang mga pagsasama nila ng pumanaw na komedyante na si Noemi Tesorero o mas kilala bilang ‘Mahal’
Ang programang The Boobay and Tekla Show ay nagbahagi ng tribute para kay Mahal at inimbitahan din nila ang mga taong malalapit sa komedyante at isa na dito si Mygz.
Inamin ni Mygz na hanggang ngayon ay nami-miss niya parin si Mahal na ilang taon niya ding nakasama.
“Ang dami kong nami-miss sa kanya, ang di mawala sakin ‘yung mga tawa niya, ‘yung ngiti niya ang pagbibigay niya ng kasiyahan sakin at sa pamilya ko.” ani Mygz.
Dito ay ikinuwento din niya ang tila pagpaparamdam sa kanya ni Mahal.
“Halos sa araw araw, ewan ko lang pero ang ano sakin ‘yung paro paro ngayon lang nangyari sakin ‘yun… Tapos mga panaginip saka kahit sa bahay kasi lahat makikita mo siya, sa kusina sa kwarto sa mesa kaya minsan hindi nako natambay sa bahay kasi naalala ko lagi siya,” kwento ni Mygz.
Sinabi din nito na “sobrang hirap makalimutan” ni Mahal dahil sa mga positibong katangian nito.
“Hindi ako maka-move on sa nangyari sa kanya,” pag amin ni Mygz.
Nangako naman si Mygz na itutuloy niya parin ang naumpisahan nilang mga plano ni Mahal kasama na dito ang vlogging.
Mensahe naman ni Mygz sa kanyang dating ka-tandem, sana’y masaya na siya kung saan man siya naroroon.
“Salamat sa lahat, hindi kita makakalimutan,” naiiyak na sabi ng aktor.
“Alam ko masaya ka na ngayon na kasama mo na ang papa mo,” dagdag niya pa.
Reaksyon ng Netizens:
Panoorin ang video: