--> Manny Pacquiao, May Ibinunyag Tungk0l kay Jinkee na Hindi Inaasahan ng Marami... | ChikaTime

Manny Pacquiao, May Ibinunyag Tungk0l kay Jinkee na Hindi Inaasahan ng Marami...

   Inulan ng sari-saring komento ang sinabi ni Senador Manny Pacquiao tungkol sa kanyang asawang si Jinkee.       Ibinunyag kasi ni Pacquiao...

 

 Inulan ng sari-saring komento ang sinabi ni Senador Manny Pacquiao tungkol sa kanyang asawang si Jinkee.

 
 


Ibinunyag kasi ni Pacquiao na hindi susunod sa yapak ni dating Unang Ginang Imelda Marcos, na kilala sa kanyang marangyang pamumuhay noong siya ay nasa Malacañang.




 
Kilala si Imelda, asawa ng namayapang Pangulo na si Ferdinand Marcos Sr., sa kanyang maluhong pamumuhay at pagkahilig sa mamahaling mga sapatos, alahas, damit, at painting.

Matatandaang binansagan pa nga ang dating Unang Ginang bilang “Imeldific,” na ang pakahulugan ay labis na pagpapakita ng marangyang pamumuhay.




Umani ng sari-saring komento nang sabihin ni pambansang kamao na si Sen. Manny Pacquiao na hindi magiging katulad ni dating First Lady Imelda Marcos ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao kung palarin na siya ang manalo sa 2022.


Sa naging virtual forum ng Rotary Club of Manila ay sinabi ni Pacquiao na hindi interesado si Jinkee sa marangyang pamumuhay katulad ni Marcos.

 
 


“Hindi po. Tinitiyak ko po iyan dahil kilala ko po yung asawa ko hindi po siya ganun,” ani Pacquiao.


Sabi pa ni Manny na hindi rin daw interesado ang kanyang asawa sa pol1t1ka at hindi ito magiging katulad ni Marcos na naging gobernador noon ng Metro Manila.

“Ang asawa ko po ay mahiyain at hindi po mahilig sa pulitika naging vice governor sa Sarangani tapos isang term lang hindi na po tumakbo kasi kaya lang po naging vice governor yun dahil napilitan lang po siya,” sabi ng pambansang kamao.

 



“May problema lang po doon sa mga kasamahan ko nagaway away sa position so ang nilagay ko yung asawa ko in one term tapos hindi na siya tumakbo dahil hindi siya mahilig sa politika,” dagdag niya pa.

 
Saad pa ni Manny na gusto lamang daw ni Jinkee mag mag serbisyo sa taumbayan.

“Ang gusto niya po ng asawa ko magserbisyo tumulong sa mga kababaihan lalo na po yung mga mahihirap, gusto niya po yung pagbibigay ng scholarship, pagbibigay ng housing sa mga pamilya at yung sustainable livelihood,” saad nito