Agaw atensyon sa social media si pambansang kamao Sen. Manny Pacquiao . Hindi napigilan ni Sen. Manny Pacquiao ang maiyak habang ikinukuwe...
Agaw atensyon sa social media si pambansang kamao Sen. Manny Pacquiao.
Hindi napigilan ni Sen. Manny Pacquiao ang maiyak habang ikinukuwento ang paghihirap niya noon sa buhay.
Sa kanyang naging talumpati sa Philippine Christina University, ibinahagi ni Pacquiao kung ano ang mga naging karanasan niya noong hindi pa siya yumayaman dahil sa boxing.
Naniniwala si Pacquiao na isa ang korapsyon sa mga dahilan kung bakit siya naghirap noon at bakit may mga tao parin na mahirap ngayon.
Umaabot na daw sa punto na pag inom ng tubig lang daw ang ginagawa nila ng pamilya niya noon para mapawi ang gutom nila.
Ito daw ang dahilan kung bakit nagagalit siya sa mga kurakot sa gobyerno at gusto niya na itong matapos kung siya man ang palarin na mamuno.
“Yung time na ‘yun na nangyari sa buhay namin hanggang ngayon hindi ko makalimutan kaya galit na galit ako sa mga kawatan na tao… wala akong awa sa kanila,” ani Pacquiao.
“Pag may nakikita ako na taong naghihirap, pamilyang naghihirap yan ay kadahilanan ng mga kawatan sa gobyerno,” dagdag niya pa.
Pinalakpakan naman ng mga tao si Pacquiao sa kanyang madamdaming talumpati.
Sa kabila nito ay marami sa mga netizens ang napakomento sa inihayag ni Pacquiao.
Narito ang komento ng ilang Netizens: