Usap-usapan ngayon online ang health condition ng aktor na si Gab Valenciano ang anak ni Gary Valenciano. Ibinahagi ng aktor sa publiko ang...
Usap-usapan ngayon online ang health condition ng aktor na si Gab Valenciano ang anak ni Gary Valenciano.
Ibinahagi ng aktor sa publiko ang tungkol sa estado ng kanyang health condition. Dito ay nalaman na na-diagnose umano s’ya bilang pre-diabetic.
Isiniwalat n’ya ang findings na ito sa kanyang lengthy Instagram post.
“This weekend, put a lot of things into perspective for me. Gave me time to think about where I am in my life and what kind of adjustments I needed to make to be the best I can be moving forward,” panimula ni Gab sa kanyang post kalakip ang series of photos and video n’ya na kuha habang nasa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City siya.
Ayon kay Gab ay normal naman daw ang lumabas na resulta sa karamihan ng mga test na ginawa sa kanya, maliban sa findings na s’ya nga ay isang prediabetic.
Ang pre-diabetes “is when your blood sugar level is higher than it should be but not high enough for your doctor to diagnose diabetes.”
“Majority of the results came in and by the grace of God, are normal; some even better than expected. But unfortunately, I am now a pre-diabetic and it is important to not just take care of my mental health, but physical health as well,” pagbabahagi n’ya.
Sa pangyayaring ito ay magkakaroon daw ng malaking pagbabago sa kanyang lifestyle para mapangalagaan ang kanyang sarili.
“Major changes will be made to better myself in every aspect of my life. Be it personal or professional,” pahayag ni Gab.
Nagpasalamat naman s’ya mga doctor at medical staff ng ospital sa pag-aalaga ng mga ito sa kanya, maging sa kanyang pamilya at mga kaibigan para sa kanilang mga dasal at suporta.
“To my parents who have been so encouraging even from afar, my family, my Genesis family and friends who fervently prayed, messaged and checked up on me regularly. To Sally who was with me every step of the way and my partner, Michelle who also made time to be with me through all this,” sabi pa n’ya.
“I am looking forward to a stronger Gab. A better, wiser and more empathetic Gab. We should all strive for a better ‘us,’” he said.
“We owe it to ourselves to be the person God intended us to be. Whatever and whoever that person will be, will change the world in their own special way. Be and stay blessed everyone,” dagdag sabi