Hindi mapigilan na maging emosyonal na ikinuwento ng komedyanteng si Norman Balbuena o mas kilalang si "Boobay" tungkol sa ginawa...
Hindi mapigilan na maging emosyonal na ikinuwento ng komedyanteng si Norman Balbuena o mas kilalang si "Boobay" tungkol sa ginawa ni Marian Rivera na hindi niya inaasahan na gagawin ito sa kanya.
Naiyak na lamang si Boobay nang sabihin niya sa publiko kung paano siya natulungan ni Marian Rivera noong dumanas siya ng agaw-buhay na karamdaman noong 2016.
Naging panauhin ng Eat Bulaga Bawal Judgmental si Boobay at naikwento niya ang kanyang near-de@th experience limang taon na ang nakalilipas.
Dito ay ikinuwento ni Boobay na na-mild str0ke siya noon at malaking bagay na isang therapist ang dati niyang partner na nalaman agad ang kanyang kalagayan.
Inamin niya na may pagka-workaholic talaga siya sa pag-aakalang malakas ang kanyang pangangatawan.
Dahil sa pangyayaring ito, natuto naman siyang pahalagahan ang sarili at hindi basta na lamang tanggap ng tanggap ng trabaho para na rin sa kanyang kalusugan.
Isa-isa ring pinasalamatan ni Boobay ang mga tumulong sa kanya na malampasan ang mga pagsubok na ito.
Talagang naiyak si Boobay nang pinasalamatan niya si Marian Rivera, dahil naniniwala siyang wala na sana siya ngayon kung hindi sa labis na pagmamalasakit sa kanya ng Kapuso actress.
"Siyempre ang aking My Loves, Marian Rivera. Ayaw na ayaw niyang binabanggit ko siya tungkol sa ganito pero, Yanyan... kung hindi dahil sa'yo, siguro wala talaga ako rito," naiiyak na sinabi ni Boobay.
Panoorin dito: