Matatandaang naging viral si Kim Chiu sa kasagsagan ng lockdown noong nakaraang taon dahil sa covid-19 at sa pagdenied ng prangkisa ng ABS-...
Matatandaang naging viral si Kim Chiu sa kasagsagan ng lockdown noong nakaraang taon dahil sa covid-19 at sa pagdenied ng prangkisa ng ABS-CBN.
Sari-saring pambabat1k0s ang natanggap ni Kim dahil sa mga salitang kanyang binitiwan noon.
Dahil dito ay naglabas ng sama ng loob si Kim Chiu sa mga tao na nambatikos sa kanya noong nakaraang taon dahil sa kanyang viral na pahayag tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.
Sa naging panayam sa kanya, sinabi ni Kim na isa sa mga pinakamahirap na taon sa kanya ay noong 2020 dahil nga sa naranasan niya na pambabatikos sa mga netizens.
“Last year was the super challenging year talaga for me to deal with those people.” ani Kim.
Ayon kay Kim, dahil daw sa nangyari ay natutunan niya na bawat sabihin nga niya at gawin ay babantayan ng mga tao para siya’y batikusin.
“For me, learn from your mistakes. And then take care of your mental health also, protect yourself from those people who can actually hurt you. Tao din naman kami."
“Pag may nagsasabi sa ‘yong, ‘Ang t*nga-t*nga mo,’ ang sakit-sakit naman. Pero iniisip ko na lang, hindi naman niya ako kilala. Bakit niya ako sasabihan ng ‘t*nga’?
“Hindi naman tayo magkakilala, so bakit ka magkakaroon ng freedom to tell me those things? Nasi-segregate ko na ‘yung people who can actually hurt me and people who can just pass by,” reklamo ng aktres.
Inuunawa na lamang daw ng aktres ang mga pambabatikos na kanyang natatanggap dahil parte naman daw ng showbusiness ang i-bash ng tao.
“There is no easy life. ‘Di ba bago magka-rainbow, may ulan muna, may baha, may bagyo? So that’s part of it. ‘Yung showbiz career, parang life line — up, down, up, down as long as it’s doing that, buhay ka pa, okay pa ‘yun,” ani Kim.
Matatandaan na dahil sa kanyang magulong pahayag ay ginawa siyang ‘meme’ ng mga netizens.
“Sa classroom may batas, bawal lumabas, Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yong law ng classroom niyo at sinubmit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas.”