--> Katrina Halili, Nakakaramdam ng Matinding Sak1t, K0ndisyon Ngayon ng Aktres,Usap-Usapan Online... | ChikaTime

Katrina Halili, Nakakaramdam ng Matinding Sak1t, K0ndisyon Ngayon ng Aktres,Usap-Usapan Online...

Marami sa mga fans ang nag-aalala sa kalagayan ng aktres na si Katrina Halili matapos mapansin ng ilang netizens na tila may pinagdadaanan a...


Marami sa mga fans ang nag-aalala sa kalagayan ng aktres na si Katrina Halili matapos mapansin ng ilang netizens na tila may pinagdadaanan ang Kapuso actress na si Katrina Halili.

 


Agaw pansin kasi sa social media ang dalawang magkasunod na Instagram posting niya.

Ang una, ay may kalapit na larawan na nagpapakitang naka-upo siya sa M.R.I. (Magnetic Resonance Imaging) table sa St. Luke’s Hospital at may maikling caption ito na:





“Salamat sa nag-alaga sa akin.”

Kamakailan ay nagreklamo ang aktres tungkol sa matinding pananakit ng katawan.

 Nagpasya siyang humingi ng tulong sa mga eksperto sa neuro sa pag-alam kung ano ang sakit sa kanya at sumailalim sa anumang therapy sa paggamot kung kailangan itong gawin. 




Nagpaabot naman ng mga “get well soon” messages ang ilang celebrities. 


Kabilang sa mga nagpadala ng mensahe ang mga kaibigan niyang celebrities gaya nina Yasmien Kurdi, Chynna Ortaleza, Kim Rodriguez, Mark Herras, Dion Ignacio, at Chanda Romero.


Mas lalong naging agaw pansin pa ng netizens ang tila malalim naman na hugot niya sa sumunod niyang IG post, kung saan inamin niya na sa dami na ng kanyang mga pinagdaanan sa loob 13 years, ay inakala niyang wala nang makakapagpapatakot pa sa kanya. 


Pero dahil sa kung anumang pinagdadaanan niya ngayon ay tila nakaramdam daw siya ng matinding sakit na nagpapahina ng kanyang kumpiyansa.



At saka nito inalala ang itinuturing na mentor, ang namayapang si Direk Maryo J. delos Reyes, na sa umpisa pa lang daw pinaramdaman na siya ng malaking paniniwala nang idirek siya nito sa kanyang kauna-unahang pinagbidahang teleseryeng “Magdusa Ka” noong 2008.


 



Saad ng kanyang post:


“I’ve been through so much in the last 13 years that there isn’t much left that can scare me now. 

I’ve felt the most pain that I could feel, and I’ve felt the most pressure that I could feel, that I’m losing my confidence in myself, I miss you much Direk Maryo J, who never stops believing in me, You’re always there for me, thank you for loving me unconditionally.  You mean everything to me. Wishing you very Happy All Soul’s Day.


“I hope I made you proud, My Angel in Heaven.”