Hindi napigilan at punong-puno na ang kapatid ni ‘Mahal’ na si Jason Tesorero sa mga kritiko nila sa social media na ibinibintang sa kani...
Hindi napigilan at punong-puno na ang kapatid ni ‘Mahal’ na si Jason Tesorero sa mga kritiko nila sa social media na ibinibintang sa kanila ang nangyari sa kilalang komedyante at vlogger na si Mahal.
Makikita sa kanyang live video na b1nanatan ni Jason ang mga kritiko nila na tila sinisisi sila sa nangyari kay Mahal.
May ilang netizens kasi ang nagsasabi na mas minahal ni Mygz si Mahal na mariin namang itinanggi ni Jason.
Dahil dito ay ikuwento ng kapatid ni Mahal ang ilan sa mga nalalaman niya.
Paliwanag niya ay hindi naman nila maibibigay ang pagmamahal ng isang “asawa” kay Mahal dahil kapatid lamang sila ng komedyante.
Gusto narin daw magkaroon ng pamilyang sarili ni Mahal kaya naman hindi ito umuuwi sa kanila kahit na minsan ay nasasaktan ito.
Ayon sa kanya ay nakakaranas daw ng problemang pinansyal si Mahal at ikinuwento kung ano ang nangyari sa komedyante noong pumunta sila sa Mindanao kasama ang isang aktor.
“Anong nangyari sa bank account ni Mahal? Sinasabi niyo na mukha kaming pera… si Mahal pumunta sa campaign sa Maguindanao, ‘yung kasama niyang isang artist doon pag uwi nakabili ng isang sasakyan tapos si Mahal ni pamasahe sa taxi walang ibinigay,” ani Jason.
“Saan ang mukhang pera doon? Pakisabi sa mukha namin, hindi namin hinabol ‘yon. Ang pera ni Mahal hindi namin siya dinidiktahan kung ano ang gagawin niya sa pera niya,” dagdag niya pa.
Pinuna din ni Jason ang tila paggamit ng pamilya ni Mygz kay mahal sa vlogging.
“Tignan niyo yung channel ng Molino family, wala akong kwestiyon doon, pero kinukwestiyon niyo kasi kami. Sinasabi ko lang sa inyo na masakit ang katotohanan,” sabi ni Jason.
“Nagpaalam ba sila na magba-vlog sila? Si Mygz lang ang paalam nila, bakit sinama nila ‘yung pamilya niya? Buong angkan nya doon vlogger na tapos kami walang karapatan?” dagdag pa nito.