--> K Brosas, Hindi Todo Umiyak Nang Ibunyag niya sa Publiko ang mga Mapait na Pinagdaan niya sa Kanyang Ina... | ChikaTime

K Brosas, Hindi Todo Umiyak Nang Ibunyag niya sa Publiko ang mga Mapait na Pinagdaan niya sa Kanyang Ina...

Agad na nagviral ang komedyanteng si K Brosas sa kanyang mga ibinunyag tungkol sa relasyon niya sa kanyang ina. Hindi mapigilang maging emos...

Agad na nagviral ang komedyanteng si K Brosas sa kanyang mga ibinunyag tungkol sa relasyon niya sa kanyang ina.

Hindi mapigilang maging emosyonal ni K Brosas habang ikinukwento niya ang huli nilang pag-uusap ng kanyang nanay.

 
Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, makikita natin na sadyang hindi na napigilan ni K ang kanyang luha habang sinasariwa ang masasamang salitang sinabi sa kanya ng kanyang nanay.


Kwento ni K ay umabot na sa punto na nag ‘nervous breakdown‘ siya dahil sa nagpatong patong na ang kanyang problema.

Ito ay dahil sa pinuna kasi ng kanyang nanay ang pagiging lesbian ng kanyang anak.

Matatandaan na nitong nakaraang taon ay inamin ng anak ni K na si Crystal na siya ay isang lesbian.

 “Ang dami niyang sinabi, kaya ko tinapon yung telepono bigla na lang akong nag mental breakdown talaga." kwento nito

“Tapos nag video ako, nakiusap ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung gusto kong maglaslas or something kasi sobrang sakit." dagdag sabi



“Ang pinakamasakit nyang sinabi… mura mura mura mura.. sabi niya “o bakit naging ganyan ang anak mo? Bakit gusto niyang maging lalake? Kasalanan mo lahat yan!”‘ kwento ni K habang ito’y naiiyak." sabi pa nito



Ayon kay K ay sadyang simple lang naman sana ang gusto niyang marinig sa kanyang nanay at ‘yun ay ang purihin siya dahil sa napalaki niya si Crystal na “strong” at “independent”.



Dahil dito ay nag desisyon na lamang si K na hindi na kausapin ang kanyang ina.

“In all fairness napatawad ko na siya, pero hindi porket napatawad ko ay kailangan ko siyang pakisamahan,” paliwanag niya.



“Kasi hindi niya naman ako pinakisamahan noong lumalaki ako,” dagdag niya pa.



Sa nasabing panayam ay ibinahagi niya din na siya ay humingi na ng tulong dahil sa kanyang problema sa mental health.


 

Reaksyon ng ilang Netizens:

 

 

 

 

 

 


 

Panoorin ang video na ito: