Matatandaan na kamakailan lamang ay inanunsyo ni Kris ang kanyang pagiging engage sa dating kalihim ng Department of Interior and Local Gov...
Matatandaan na kamakailan lamang ay inanunsyo ni Kris ang kanyang pagiging engage sa dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Mel Sarmiento.
Marami sa mga netizens ang nabigla sa inanunsyo ni Kris Aquino na ito.
Ikinatuwa naman ng mga kapwa celebrities ang estado ng love-life ni Kris Aquino. Marami ang nagpaabot ng wishes kina Kris at Mel.
Maging ang dating asawa ni Kris na si James Yap ay nagbitaw din ng salita sa malaking anunsyo ng kanyang dating asawa na si Kris Aquino na engage na ito.
Agaw atensyon agad sa social media ang mensahe si James Yap kay Kris Aquino.
Matatandaang hindi naging maganda ang hiwalayan ni James at Kris noon at kahit hanggang ngayon ay may ilang netizens parin ang inuungkat ito.
Sa kanyang maiksing mensahe ay sinabi ni James na masaya siya para sa kanyang dating asawa na kasalukuyang nag aalaga sa kanilang anak na si Bimby Aquino Yap.
“Happy for her,” ani James.
May basbas naman daw ng mga anak ni Kris ang kanyang naging desisyon.
Hindi pa inaanunsyo kung kailan ikakasal ang dalawa.