Marami sa mga netizens ang hindi mapigilang mapareak sa sinabi ni Ryan Bang tungkol sa kanyang ina. Sa isang panayam ni Ogie Diaz kay Ryan...
Marami sa mga netizens ang hindi mapigilang mapareak sa sinabi ni Ryan Bang tungkol sa kanyang ina.
Sa isang panayam ni Ogie Diaz kay Ryan Bang ay sinabi nito na ikinahihiya niya ang naging trabaho ng kanyang ina.
Buong tapang na inamin ng Ex-PBB Housemate at Its Showtime host na si Ryan Bang na nahiya at nagalit raw siya sa kanyang nanay noon nang malamang isa itong dishwasher.
Kwento ni Ryan sa vlog ni Ogie Diaz na natuklasan raw niya na tagahugas ng plato ang kanyang nanay at ang masaklap pa ay sa restaurant ng kanyang kakaklase.
"Naalala ko elementary ako, bago bukas na restaurant, punta kami. Nakita ko mommy ko naghuhugas ng pinggan.
"Hindi ko binati, umuwi na 'ko, nahihiya ako.
"Napahiya talaga ako... nahihiya ako noong panahon na 'yon kaya napakasama kong tao," pag-amin ni Ryan.
"Mommy, bakit sa lahat ng restaurant sa kaibigan ko pa?
"Kaya nung umuwi siya nagagalit ako, bata kasi ako (noon) 'di pa ako matured,"sabi ni Ryan
Ngayon naman ay todo-todo na ang pagmamahal at pagmamalasakit ni Ryan sa kanyang ina.
Sa katunayan ay nabigyan na rin niya ito ng sarili condo unit. Marami na ang naibigay na tulong si Ryan sa kanyang nanay.
Sa panayam na ito ay talagang makikitang napakabait
na anak ni Ryan, despite of what happened to his family at yung
struggle niya sa life ay naging positibo parin ang pananaw niya sa buhay.
Agad namang inulan ng sari-saring komento si Ryan Bang mula sa mga netizens matapos mapanood ang video na ito.
Reaksyon ng Netizens:
Panoorin ang video: