Daniel Padilla,hindi na niya kinaya ang ginawang desisyon ng kanyang mga magulang na sina Karla Estrada at Rommel Padilla. Sumabak sa pul1...
Daniel Padilla,hindi na niya kinaya ang ginawang desisyon ng kanyang mga magulang na sina Karla Estrada at Rommel Padilla.
Sumabak sa pul1tika ang mga magulang ni Daniel at ito ay naghatid ng stress sa actor.
Ibinunyag ng actress na si Karla Estrada na na-stress na raw ang anak niyang si Daniel Padilla dahil pareho raw tatakbo sa halalan ang mga magulang ng actor.
Si Karla ay tatakbo bilang isang Party-list representative samantalang ang ama namab ni Daniel na si Rommel Padilla ay tatakbo rin ng isang local position sa Nueva Ecija.
"Na-stress siya. Di niya kinaya," sabi Karla sa interview niya kay Ogie Diaz
Natanong kasi ni Ogie kung hindi ba nahihilo si Daniel sa kanilang dalawa ngayong pareho na silang pulitiko ng kanyang estranged husband at kung paano sila susuportahan ng aktor gayong magkalayo ang kanilang lokasyon kahit pa na pareho silang tumatakbo sa pagka-congressman.
“Ako, talagang napaka-transparent ko sa ganyan, ’no? Na-stress ’yong anak ko. Hahaha!” natatawang pag-amin ni Momshie Karla.
“Na-stress s’ya. Hindi n’ya kinaya,” pagpapatuloy n’ya. “Kasi, ’di ba, si Daniel hangga’t maaari umiiwas sa usaping pulitika? Tapos biglang…hindi man lang kapatid [kundi] parehong magulang n’ya ang kinailangan at binigyan ng pagkakataon [na mag-pulitika]. "
"Di kasi, parang si Daniel, hangga't maaari umiiwas siya sa usaping pulitika, tapos biglang, hindi man lang kapatid, talagang parehong magulang niya ang kinailangan at binigyan ng pagkakataon," paliwanag pa ni Karla