Ibinunyag ni Herelene o mas kilala bilang “Hipon Girl” na naging dismayado siya sa aktor na ito na kung saan ay ilang ulit siyang binaliw...
Ibinunyag ni Herelene o mas kilala bilang “Hipon Girl” na naging dismayado siya sa aktor na ito na kung saan ay ilang ulit siyang binaliwala nito.
Ayon kay Herlene ay ilang beses na siyang humingi ng pabor sa aktor ngunit dedma lang.
Inamin ni Herlene Budol sa programang “Wowowin” ang tungkol sa Kapuso hunk actor na si Jak Roberto.
Isiniwalat niya ang totoong pag-uugali ng aktor na kanyang naranasan.
Inisip umano niya na suplado at mayabang ang boyfriend ni Barbie Forteza dahil natatandaan pa niya kung ilang beses siyang nagmessage sa binata sa pamamagitan ng Instagram.
Fan talaga siya ni Jak noon at isa sa mga hiling niya tuwing sasapit ang kanyang kaarawan ay magkaroon ng video greeting mula sa “Pambansang Abs.”
Sa guesting ni Herlene sa isang episode ng “Mars Pa More”, game na game siyang sumabak sa “On The Spot: First Impressions” segment kung saan kailangan niyang sagutin ang tanong na, “Nasira ang ilusyon ko tungkol sa artistang si ____ nang makilala ko siya sa personal dahil _____.”
Matapos mag-isip sandali, binanggit niya ang pangalan ni Jak na kasama niya ngayon sa GMA Afternoon Prime mini-serye na “Stories From The Heart: Never Say Goodbye.”
“Dati chinat ko siya 2017 sa Instagram sabi ko, ‘Kuya, pa-video greet naman mag-18 na ako, magde-debut na ako.
“Sabi ko sa kanya, ‘Pabati naman, crush na crush kita.’ Tapos hanggang sa ang chat ko na sa kanya,
‘Hindi na kita crush kasi 22 na ako hanggang ngayon hindi mo pa din ako binabati ‘e,’” saad ni Hipon Girl
,”Tapos sabi ko uli sa kanya sa chat, ‘Kuya, ano? Kumusta na? 22 na ako, follow back mo naman ako.’ Noong nakita niya, nagulat siya tapos sabi niya sa akin, ‘Hala! Oo nga. Ang cute mo naman” dagdag sabi.
“Ngayon, may bati na siya sa akin. So, mabait pala siya in person akala ko suplado. Sa dami lang daw pala ng (mga nag-message sa kanya kaya) natabunan,”