Usap usapan ngayon sa social media ang diumano’y relasyon na namumuo sa pagitan ng beteranong aktor na si Albert Martinez at aktres na si F...
Usap usapan ngayon sa social media ang diumano’y relasyon na namumuo sa pagitan ng beteranong aktor na si Albert Martinez at aktres na si Faith da Silva.
Diretsahang sinagot ni Faith Da Silva, 20 ang mga tsismis tungkol sa kanyang relasyon sa kanyang "Las Hermanas" co-star na si Albert Martinez, 60.
Sa naging panayam ng programang ‘The Boobay and Tekla Show’ ay sinagot nina Faith at Albert ay tunay na estado ng kanilang relasyon.
Sa ‘The Boobay and Tekla Show’ ay dit0 na pinag usapan nnila kung gaano na nga ba sila naging malapit sa isa’t isa.
Magkasama si Albert at Faith sa series ng GMA Network na “Las Hermanas”.
“Iba ‘yung relationship namin together. Komportable kami sa isa’t isa. Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level. He was really there to support me and guide me,” kwento ni Faith.
“Maalaga kasi talaga siya and very grateful ako na yung side na yun of him, e, nakita ko dahil hindi ko ine-expect na isang beteranong aktor, e, ganoon makitungo sa akin,” dagdag niya pa.
Inamin pa nito na minsan ay napag uusapan nila ang mga haka-haka tungkol sa kanila ngunit idinadaan na lamang nila ito sa biro.
“Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang. Para sa aming dalawa kasi, professional lamang lahat. Walang ilangan. The fact na nakikita ng mga tao na okay ang chemistry namin together, I think yun ang mas importante sa amin,” saad ni Faith.
Ayon naman sa naging panayam kay Albert ay wala namang imposible na mahulog siya sa babae na mas bata sa kanya.
“For me, walang edad na pinipili ang pagmamahal. Basta maramdaman mo na totoo yung nararamdaman mo sa tao.” saad ni Albert.
“Regardless of the age, kahit anong bagay ‘yan, basta mahal ninyo ang isa’t isa, wala kayong tinatapakang tao, e, go lang ‘yan!” dagdag sabi nito.