--> EX-Girlfriend ni Jovit Baldivino Agaw Atensyon Matapos ang Ibinunyag na Rebelasyon tungkol kay Jovit Baldivino na hindi inakala... | ChikaTime

EX-Girlfriend ni Jovit Baldivino Agaw Atensyon Matapos ang Ibinunyag na Rebelasyon tungkol kay Jovit Baldivino na hindi inakala...

   Usap usapan ngayon sa social media ang isyu ng ex-partner ni singer na si Jovit Baldivino na diumano’y nasangkot sa investment sc*m.   Da...

 

 Usap usapan ngayon sa social media ang isyu ng ex-partner ni singer na si Jovit Baldivino na diumano’y nasangkot sa investment sc*m.



 

Dahil dito ay naglabas ng pahayag si Jovit at sinabi na gusto niyang makuha ang anak niya sa dating partner na si Shara Chavez dahil sa isyu na kinakaharap nito.



“Kung ano man pong lumabas na issue o pang i-scam niya, hindi na po bago yun, hehehe. Wala po akong pakialam dyan, problema nya yan at siguro naman po alam nyo na ang tunay na pagkatao niya.” ani Jovit.

 


“Ang sa akin lang po e makuha ko ang anak ko sa kanya at ilayo sa masama kasi matagal na niya itinatago sa akin syempre bilang isang ama may karapatan din naman ako sa anak ko,”



Kasunod ng naging pahayag ni Jovit Baldivino tungkol kay Shara Chavez ay naglabas naman ito ng kanyang saloobin tungkol sa isyu .

Mariing itinanggi ni Shara na namilit siya ng mga tao para mag invest sa kanyang kumpanya na SCET Colleens Corporation.



“Investment po ito sana aware kayo kasi ito ay FREE WILL ng lahat. Wala po pumilit sa inyo kahit isa. Makipag usap nlng po tayo ng maayos para maayos na ang problema na ito. Stress na rin ang lahat.” ani Shara.

Matapos nito ay dito na nag bigay ng pahayag si Shara sa kanyang dating ka-partner na si Jovit.


“At para sayo, Mr. Jovit Baldivino. Ang saya mo siguro. Sabi mo nga matagal tayo wala koneksyon at komunikasyon e bakit parang magsalita ka ngayon alam mo yung nangyayari? Gumatong ka pa sa problema na wala ka naman kaalam alam.” saad niya.



“Labas kana sana pero nilagay mo issue pabalik sayo. Dinamay mo na naman ang Diyos. Chance mo ba to na baka magkaka gig ka? Di kpa rin nagbabago.” dagdag niya pa.

Inihayag ni Shara na hindi man lang nagpadala ng sustento si Jovit sa kanyang anak sa loob ng limang taon.


“Paano mo ba malalaman e sa limang taon na nabubuhay ang anak ko, HINDI KA NAMAN NAGSUSTENTO. NEVER KITANG HININGAN KASI KAYA KO.” paglalahad ni Shara.

 




Maliban pa dito ay inakusahan din ni Shara si Jovit ng pangl0l0k0 raw sa kanyang fan.

Ayon pa kay Shara ay hindi rin daw nito ibibigay ang kanilang anak kay Jovit dahil wala naman daw itong silbing ama.



“Kung may sc*mmer sa ating dalawa baka ikaw yun, baka nga bud0l ka pa. Tanda ko nung Birthday ni Keya, nanghingi ka sa isang Fan para may pang gastos kuno sa Birthday nya ginamit mo pa picture namin na nasa hotel kami kunyari ikaw ang gumastos e sa totoo wala naman”
pagbubunyag ni Shara.



“Ako ang bumuhay at nagpapalaki sa anak ko at wala kang karapatan na mag ambisyon sa custody nya dahil wala ka pa ring kwentang ama!” sabi pa nito

“Nananahimik ako, wala ako pakielam busy ako pero sobra ka. Konting hiya naman, manginig ng kahit konti, kabahan sa sinasabi please.” dagdag niya pa.