--> Andrea Brillantes, Muntikan ng Magpat1wakal Dahil sa Kaganapang Ito... | ChikaTime

Andrea Brillantes, Muntikan ng Magpat1wakal Dahil sa Kaganapang Ito...

  Naging sentro ng usap-usapan ang aktres na si Andrea Brillantes matapos niyang maikuwento ang mga kaganapan ng kanyang buhay. Deretsahang ...

 

Naging sentro ng usap-usapan ang aktres na si Andrea Brillantes matapos niyang maikuwento ang mga kaganapan ng kanyang buhay.


Deretsahang ibinunyag ng aktres na si Andrea Brillantes na nakaranas siya ng matinding pagsubok sa kanyang mental health noong siya’y 13 anyos pa lamang.

 


Kwento ni Andrea sa naging panayam sa kanya ng television host na si Boy Abunda, sinubukan na daw niyang tapusin ang kanyang sariling buhay dahil sa mga problemang kinakaharap niya noon.




“Mga 13 po ako noon, tapos wala po talaga akong mahawakan and meron kasi akong void, as in may void ako sa heart ko noon,” saad ni Andrea.

“Lagi po akong humihingi sa Kaniya ng, ‘Bigyan mo naman ako ng isang rason, isang kaibigan, o isa lang’,” dagdag niya pa.


Ayon pa kay Andrea ay  wala namang problema ang kanyang pamilya ng mga panahon na ‘yon at siya lamang ang nakakaranas ng matinding pagsubok.



“When you’re in so deep, hindi mo na nakikita ‘yung love na pinapakita ng iba. Sobrang lalim mo na eh, para kang may filter na itim. Magsisimula pa lang ang araw mo, ayaw mo nang simulan. Gigising ka nang ayaw mong gumising,” pagbabahagi ni Andrea.



Hanggang ngayon daw ay may mga kinakaharap parin siyang mental health challenges katulad ng insomia.


“Nagsimula po siya kasi maaga ako nagtrabaho. Maaga pong na-ano yung body clock ko, and kasi lagi po akong binabangungot and nagkakaroon ng sleep paralysis. Dahil d’un, nagkaroon na po ako ng fear na matulog,”  sabi ni Andrea.

Sa kabila ng mga problema na kanyang kinakaharap ay desedido parin si Andrea sa kanyang pagtatrabaho upang maging matagumpay sa buhay.