--> Aljur Abrenica,Nagsalita sa Press Conference kung Bakit Ibinunyag niya ang Tungkol sa Ginawa ni Kylie Padilla,Pinag-Uusapan Online! | ChikaTime

Aljur Abrenica,Nagsalita sa Press Conference kung Bakit Ibinunyag niya ang Tungkol sa Ginawa ni Kylie Padilla,Pinag-Uusapan Online!

 Nagsalita si Aljur Abrenica at ibinahagi niya sa publiko kung bakit nga ba siya nag-post ng mensahe laban kay Kylie Padilla. Matatandaang i...

 Nagsalita si Aljur Abrenica at ibinahagi niya sa publiko kung bakit nga ba siya nag-post ng mensahe laban kay Kylie Padilla.

Matatandaang ibinunyag ni Aljur na si Kylie ang unang sumira sa kanilang relasyon. Sinabi ni Aljur na si Kylie ang unang nag cheat sa kanilang relasyon .


Matatandaan na binatikos ni Aljur si Kylie at hinamon niya ang aktres na sabihin sa publiko kung sino ang unang “nagtaksil” sa kanilang dalawa.



Sa press conference naman ng pelikulang “Manipula” ay binunyag ni Aljur kung bakit nga ba niya ibinahagi ang nasabing mensahe sa kanyang dating asawa.


Ayon sa kanya ay masyado na siyang inulan ng batikos sa social media kaya naramdaman niya na kailangan na niya talagang ipagtanggol ang kanyang sarili sa publiko.


“Ang reason kung bakit nagawa ko iyon is out of impulse. Kasi I felt na parang nasadsad na ako, natulak,, lubog, at nabugbog na ako,” ani Aljur.


“It was not my intention na maglabas ng ganoong post, pero naramdaman ko talaga na kailangan na.” dagdag niya pa.

Sinabi pa nito na minahal niya ng sobra si Kylie at naapektuhan siya ng lubos sa kanilang paghihiwalay.

 


“And I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko yung babaeng yon. I valued our family more than anything. So I was really affected no’ng nangyari yon (split). And (out of) respect, sana, di ba, pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali rin ako.” paliwanag ni Aljur.

 


Ang hiling ni Aljur ay sana’y matapos na ang nasabing isyu para narin sa kapakanan ng kanilang dalawang anak.

“Gusto ko lang matapos ‘to.” saad ng aktor.

 

 

 

Panoorin ang video:

 

 Anong masasabi mo sa mga sinasabi ni Aljur Abrenica? Huwag mag atubiling magbigay ng komento kaugnay sa bagay na ito.