Muling agaw atensyon ng mga fans si Aljur Abrenica matapos itong nag public apology sa kanyang anak dahil sa hiwalayan nila ni Kylie Padilla...
Muling agaw atensyon ng mga fans si Aljur Abrenica matapos itong nag public apology sa kanyang anak dahil sa hiwalayan nila ni Kylie Padilla.
Hindi mapigilan ni Aljur na humingi ng paumanhin sa mga anak nila ng estranged wife n’yang si Kylie Padilla na sina Alas at Axl dahil sa nangyari sa kanilang pamilya.
Naganap ang paghingi ng tawad ni Aljur sa TV5’s musical reality show na Sing Galing last November 6 kung saan sumalang s’ya bilang celebrity contender.
At dito na naitanong s’ya ng mga hosts na sina K Brosas at Randy Santiago tungkol sa mga bagong update sa buhay n’ya at present. Isa na nga dito ay kung ano ba ang lagay ng puso n’ya ngayon.
Ayon kay Aljur ay kahit hindi daw madali ang pinagdaanan n’ya ay masaya na s’ya ngayon.
“Okey naman. Masaya. Hindi s’ya madali. Rollercoaster. Araw-araw lumalaban,”sagot ni Aljur kay K
“Hindi ko rin inakala na darating din ako sa punto na ganito… ’Yong sa estranged wife ko, talagang nangarap ako. ’Di ba, nangangarap ka nang makakasama mo habambuhay?” saad pa nito.
“Pero ang na-realize ko, hindi pala lahat ng…kahit ano’ng gawin mo para hawakan ’yong isang bagay, e walang kasiguraduhan na hindi s’ya makakawala. Natutunan ko na hindi lahat ng bagay kaya mong kontrolin. Kailangan na lang nating tanggapin ’yon.” dagdag sabi
Maliban dito ay nagtanong din si Randy kung ano naman ang kinakapitan n’ya o nagsisilbing inspirasyon n’ya sa buhay.
“’Yong mga anak ko. ’Yong dalawang ’yon,” sagot ng StarStruck Season 4 alumnus. “Dati araw-araw kong nakakasama, ngayon palitan. So, I’m always looking forward na magkaroon ng oras sa kanila.” saad nito
Nang mahingan s’ya ng mensahe para sa kanyang mga anak, dito na humingi ng tawad si Aljur sa mga ito.
“Sa mga anak ko, Alas, Axl, kung napapanood n’yo ’to, pasensya na at umabot sa ganito. Pero papa’s fine and your mama is happy. We’re both happy,” pahayag ni Aljur.
“Don’t worry about us. Magkaibigan kami. We’re doing our best to co-parent. And kayong dalawa ang pinakamagandang nangyari sa buhay namin.
Hindi man daw successful ang marriage
nila ni Kylie ay sinabi ni Aljur na ang mga anak nila ang pinakamagandang
dumating sa buhay nila.
“Hindi man kami nagtagal ng mommy ninyo ay kayo ang pinakamagandang nangyari sa buhay namin,” pagtatapos n’ya.
Matatandaang nitong February this year nang umugong ang balitang nagkakalabuan sina Kylie at Aljur. Last July naman nang kumpirmahin ng daddy ni Kylie na si Robin Padilla na hiwalay na ang celebrity couple at third party umano—sa part ni Aljur—ang dahilan nu’n—.