Agaw atensyon sa social media ang naging palitan ng komento sa twitter nina Agot Isidro at Karen Davila. Sadyang hindi na kasi napigilan ...
Agaw atensyon sa social media ang naging palitan ng komento sa twitter nina Agot Isidro at Karen Davila.
Sadyang hindi na kasi napigilan ng aktres na si Agot Isidro na mapatanong kung bakit tila madalas ang paglabas ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa programa ni Karen Davila na ANC Headstart.
Dahil dito ay nagbahagi ng post si Agot sa kanyang account at dito ay sinabi niyang Mainstay ba si Mayor Isko sa programa .
Idinaan ni Agot sa Twitter ang kanyang tanong.
“Mainstay ba si Mayor sa Headstart? #JustAsking” post ni Agot.
Sinagot naman ito mismo ni Karen Davila at sinabi na tinatanong lang naman nila ang alkalde tungkol sa ordinansa nito na nagpapatigil na sa mga tao na magsoot ng face shield sa labas ng kanilang mga tahanan.
“Hi Agot! Mayor Isko was there today bec of his EO making faceshields non-mandatory against the order of Malacanang. Sec Roque said yesterday Manila’s EO is “null & void”. This confusion affects ordinary folks. We had Mayor Zamora & will be having other LGUS as well. Salamat.” sagot ni Karen.
“Thanks, Karen. Would like to hear from other mayors as well.” tugon naman ng aktres.
Maliban dito ay ilang netizens din na taga suporta ni Vice President Leni Robredo ang nakapansin na tila madalas ang paglabas ni Yorme sa nasabing programa.
“Napapansin
ko nga din na madalas cya nasa headstart! Cguro dahil dati cyang
artista. Dapat balanse ang ABS CBN. Suhestyon lang po,” komento ng netizen
“True. Nakailan na siya. Ang angas at yabang lalo na kung ngumiti or ngisi ba yon. Sana si VP Leni naman.” saad pa ng isang netizen
“The first thing came to my mind when I saw him in Headstart, “Si Isko nanaman??”. Glad hindi lang pala ako ang nakapansin,”
Sari-saring reaksyon ng ilang Netizens:
Mainstay ba si Mayor sa Headstart?#JustAsking
— Agot Isidro (@agot_isidro) November 9, 2021