Muli na namang nag-ingay sa social media ang mga kilalang showbiz writer na sina Lolit Solis at Cristy Fermin. Ikinagulat ng maraming neti...
Muli na namang nag-ingay sa social media ang mga kilalang showbiz writer na sina Lolit Solis at Cristy Fermin.
Ikinagulat ng maraming netizens ang kanilang mga nalaman tungkol sa ginawang ito nina Lolit Solism Crity Fermin at si Mr.Fu.
Dahil sa ibinunyag ng talent manager at kolumnista na si Lolit Solis na humihirit sila ng kanyang mga kasama na sina Cristy Fermin at Mr. Fu sa kilalang television host at negosyante na si Willie Revillame ng mamahaling cellphone.
Ibinahagi ni Lolit sa kanyang Instagram post, na humihingi sila ng ‘advance Christmas gift’ kay Willie Revillame para daw sa mga host ng “Take It Per Minute, Me Ganu’n” (TIPMMG).
Ayon pa nito ay si Fermin daw ang naatasan nila na tumawag kay Willie dahil ito daw ang pinakamalapit kay Willie.
Hindi lang basta cellphone, kundi iPhone 13 ang hirit ni Lolit para sa kanilang tatlo.
Nagkakahalaga ng ₱50,000 – ₱101,000 ang nasabing cellphone depende sa klase nito.
“Talagang pressured si Cristy na tawagan si Willie Revillame para makuha ang advance Christmas gift para sa TIPMMG, hah hah. Pinilit ko si Cristy na hingin IPhone 13 para sa atin tatlo ni Mr Fu.” ani Lolit.
“At dahil pinaka close si Cristy kay Willie, siya ang ginawang ninang sa pag lambing na ibigay na regalo para sa atin ang IPhone 13.” dagdag niya pa.
Naniniwala naman si Lolit na ibibigay ni Willie ang kanilang hinihingi sa kanya na iPhone.
“Tutal talagang madali lambingin ni Cristy si Willie Revillame kaya parang done deal na ang hinihingi natin IPhone 13, kundi lagot siya kay Japs Gersin at Tina Roa, di namin siya tatantanan ng katatawag, hah hah.” sabi pa ng talent manager.
“Kaya Willie Revillame, sagutin mo na ang tawag ni Cristy, para happy na kami nila Salve at Mr Fu. Bakit hindi kasali si Gorgy (Rula)? Ah kasi ang gusto niya phone Samsung, hah hah.” dagdag niya pa.
Reaksyon ng ilang Netizens: