Ang celebrity couple na sina Angel Locsin at Neil Arce ay ginawang ‘Squid Game’ venue ang kanilang tahanan para sa Halloween. Nag-organize...
Ang celebrity couple na sina Angel Locsin at Neil Arce ay ginawang ‘Squid Game’ venue ang kanilang tahanan para sa Halloween.
Nag-organize ng kanilang version ng Squid Game ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce sa kanilang bahay.
Ang Korean drama ng Netflix na 'Squid Game' ay itinuturing na isa sa mga magandang palabas sa tv ng taon. Ito ang naging pinaka-viral na hit ng streaming platform.
Inimbitahan rin nila ang kanilang mga kaibigan para sumali sa nasabing laro gaya na lamang ni Bubbles Paraiso.
Sinabi ng power couple na pareho silang mahilig sa Halloween at isang taunang tradisyon para sa kanila na ipagdiwang ito kasama ang kanilang mga kaibigan.
Nakasuot sila ng Squid Game-inspired tracksuit at mayroon ding higanteng "Squid Game" doll na inilagay nila sa kanilang bakuran.
Nag-post ang mag-asawa ng isang vlog na nagpapakita ng buong set.
“One of the things I like the most is that the community dresses in ridiculous costumes. Ta’s no judgment. Whether you have a budget or you don’t have a budget. Believe it or not, you are accepted,” saad ni Angel.
Panoorin ang video na ito:
Anong masasabi mo kaugnay nito? Huwag mag atubiling magbigay ng komento.