Ibinahagi sa social media ni Sharon Cuneta ang kanyang mga reklamo tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte, kanyang anak na si Inday Sara Dute...
Ibinahagi sa social media ni Sharon Cuneta ang kanyang mga reklamo tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte, kanyang anak na si Inday Sara Duterte, at sa mga tagasuporta ng Pangulo.
Ayon kay Cuneta, sinubukan ni Duterte at ng kanyang anak na hiyain at bastusin ang asawa nitong si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.
Detalyadong inilabas ni Sharon ang tampo niya kay Mayor Sara at kay Pangulong Duterte, at sa mga DDS o Die-hard Duterte Supporters.
Ang pambabast0s umano sa mister niyang si Senator Kiko Pangilinan at sa panganay nilang anak na si Frankie ang pinag-ugatan ng malalim na sama ng loob ng Megastar.
“Si Inday Sara, NIRESPETO NIYO BA AKO AT ANG ANAK KO? Noon pa binabastos niyo na ang asawa ko." saad ni Sharon
"Tapos ang pangulo mismo ang nag sabi na PINAPALAYAS KO ANG ASAWA KO SAMIN AT MAGRERESIGN SIYA KUNDI TOTOO. Ang laking GULAT NAMIN NOON." dagdag sabi
“Dahil hindi ko pa siya nakakausap since before HE HIMSELF ASKED & CONVINCED MY BROTHER TO RUN FOR MAYOR OF PASAY. MAY NARINIG BA KAYO SA AKIN? WALA." saad pa nito
Noong 2019 elections ay tumakbo ang kapatid ni Sharon na si Chet Cuneta bilang mayor ng Pasay City. Pero tinalo siya ni dating Pasay City Representative Emi Calixto-Rubiano.
Patuloy ng Megastar, "Nasaktan kami at ang mga anak ko.
Saad pa niya:
"Nagkabaon-baon sa utang ang kapatid ko kasi wala naman kaming nakuhang tulong.
"Tuwang-tuwa kami nung inendorse siya ng Pangulo at ni Inday Sara. Tapos nagulat kami pati ang kalaban niya ay inendorso rin.
"MAY NARINIG BA KAYO SA AMIN KAHIT NASAKTAN KAMI? WALA.”
"AWANG AWA NA AKO SA ASAWA’T MGA ANAK KO.
“Ilang taon ko din silang halos hinayaang masaktan habang pinagtatanggol ko ng pilit si Tatay sa kanila.
"Pero SOBRA NA KAYO. AYOKO MAKASAMA ANG MGA TULAD NINYONG WALANG AWA O PUSO."
Sa huling bahagi ng kanyang mensahe ay sinabi ni Sharon na hindi na niya hahayaang masaktan muli ang kanyang asawa't anak.
"ILANG BESES NA KAMI NASAKTAN. NAPAKASAMA KO NAMANG ASAWA AT INA PAG HINAYAAAN KO PA NA MAGPATULOY YUN NG ANO, NAKA SMILE LANG LAGI?
"HINDI KO NA KAYA.”