Usap-usapan ngayon sa social media ang cryptic post ng actress na si Kylie Padilla matapos ang viral post ni Aljur Abrenica. Matatand...
Usap-usapan ngayon sa social media ang cryptic post ng actress na si Kylie Padilla matapos ang viral post ni Aljur Abrenica.
Matatandaang binasag na rin sa wakas ni Aljur Abrenica ang kanyang katahimikan kaugnay sa hiwalayan nila ni Kylie.
At Ilang oras bago nagbitaw ng mensahe si Aljur Abrenica sa Facebook at hamunin ang kanyang asawa na sabihin ang katotohanan, nag-post si Kylie Padilla ng larawan na may caption sa kanyang Instagram Stories.
"Yes, I'm that kind of mom... while my kids play with their friends. Nyahahaha. Woot woot."
Samantala trending naman ang naging rebelasy0ng ito ni Aljur sa publiko.
Sabi ni Aljur: "Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. "
Sa Instagram stories ni Kylie ay tila sinagot niya ang viral na post ni Aljur.
Sabi ni Kylie: "Never underestimate a man's ability to make you feel guilty for his mistake."
Talagang umani ng matinding mga reaksiyon at komento ang ibinunyag ni Aljur kaugnay sa umano'y tunay na dahilan kung bakit niya sinukuan ang asawa niya.
Hinamon ng aktor ang asawa na sabihin kung sino ang naunang nagloko.
Samantala ay muling nagbahagi ng post si Kylie sa kanyang social media account na mas lalong nagpainit sa isyu.
— kylienicolep (@kylienicolep) October 19, 2021