AJ Raval’s viral public apology ay naging hot topic discussion sa Cristy Fermin’s program, -“Cristy Ferminute” Sa programa ni Cristy Ferm...
AJ Raval’s viral public apology ay naging hot topic discussion sa Cristy Fermin’s program, -“Cristy Ferminute”
Sa programa ni Cristy Fermin ay pinag-uusapan nila ang paghingi ng tawad ni AJ matapos niyang maibahagi ang kontrobersyal na post na "breaking silence" ni Aljur Abrenica laban kay Kylie Padilla.
Sa apology ni AJ Raval ay sinabi niya:
“Una, tinatanggap ko pa 'yung sinasabi sa 'kin ng mga tao. Pero ngayon na nadadamay 'yung family ko, sobrang affected ako. Nanay ko, nakikita kong umiiyak, naapektuhan ako do'n.”
Ayon naman kay Nanay Cristy ay naiintindihan niya kung bakit naging emosyonal si Alyssa Alvarez matapos na hatakin ang kanyang anak sa paghihiwalay nina Aljur at Kylie.
“Ramdam ko siya (AJ) nu'ng sabihin niya na, 'Nakikita ko po ang mommy ko, iyak nang iyak.' At sino naman pong ina ang hindi iiyakan ang kanyang anak na kung batuhin ay parang pinakamarumi na siya sa buong mundo at ang lilinis nating lahat, 'di ba?” saad nito
“Iba-ibang pangalan po ang itinatawag sa kanyang anak. Wala pong ina na hindi hahagulgulan 'yung gano'ng senaryo,” dagdag sabi
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay nito? Huwag mag atubiling magbigay ng komento.