Hindi mapigilang mapareak ni Marian Rivera sa naging post ni Angel Locsin sa kanyang social media. Talagang maraming celebrities din ang ...
Hindi mapigilang mapareak ni Marian Rivera sa naging post ni Angel Locsin sa kanyang social media.
Talagang maraming celebrities din ang napakomento sa viral video ni Angel Locsin na kung saan siya ay nagluluto at inamin nitong hindi ito masarap.
Makikita sa kanyang video na tinikman niya ang kanyang niluto ngunit ng tikman niya ito ay buong tapang niyang inamin na maasim at hindi raw ito masarap.
Maliban kay Marian ay kinagigiliwan din ito ng ilang celebrities gaya nina Bea Alonzo, Chito Miranda, Dimples Romana, Angelica Panganiban at marami pang ibana kung saan ay napakomento din sila sa naging reaksyon ng aktres.
Anong masasabi mo kaugnay nito? Huwag mag atubiling magbigay ng opinyon.