--> Mapait na Dinanas ng Aktor na si John Waynce Sace,Usap-Usapan Online... | ChikaTime

Mapait na Dinanas ng Aktor na si John Waynce Sace,Usap-Usapan Online...

 Usap-usapan online ang dating young-actor na si John Wayne Sace matapos niyang ikuwento ang mga mapait na kaganapan sa kanyang buhay. Matap...

 Usap-usapan online ang dating young-actor na si John Wayne Sace matapos niyang ikuwento ang mga mapait na kaganapan sa kanyang buhay.

Matapang na isinalaysay ni John Wayne Sace ang mga nangyari sa kanya mula nang lisanin niya ang showbiz noong taong 2006. 

Inamin ni John Wayne sa panayam ni Ogie Diaz ang pagkakalulong niya sa ipinagbabawal na gamot na talagang bumago sa kanyang pagkatao. 



Maliban dito ay inamin din niya na dahil umano sa bisyo, nakagagawa siya ng 'di magagandang bagay. 


Hanggang sa dumating pa sa puntong limang araw siyang nakulong dahil sa nakaalitan niya ang isa niyang kaanak. 




Doon, naranasan niya ang buhay ng isang bilanggo na mas lalong sumubok sa kanyang pagkatao.

 Gaano man siya katapang at katatag, inamin niyang dumating sa puntong naiyak din siya sa loob ng piitan. 

 

Matapang din na naibahagi niya ang karanasan niya kung saan muntik na siyang mangholdap. 

Ngunit nang magmakaawa ang kanila sanang biktima, aminado si John Wayne na tila nahimasmasan siya at naisip na hindi siya ganoong klase ng tao.

 Siya na mismo ang umawat sa isa niyang kasama na itigil ang gagawin at humingi pa siya ng dispensa sa muntik na nilang maging biktima. 


Ang lahat ng ito ay labis na umanong pinagsisisihan ni John Wayne.

Ayon kay John Wayne ay  sa lahat nga raw ng kanyang mga hindi magandang nagawa sa buhay, laking pasasalamat pa rin niyang nabubuhay pa siya sa ngayon.


Panoorin ang video na ito:

 

Anong masasabi mo kaugnay sa mga nakaraan ng aktor na si John Wayne Sace?