Agaw atensyon sa social media ang naging rebelasyon ng dating speech writer ni Manny Pacquiao. Ibinunyag ng dating speech writer at commi...
Agaw atensyon sa social media ang naging rebelasyon ng dating speech writer ni Manny Pacquiao.
Ibinunyag ng dating speech writer at commissioner ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na si Snow Badua ang ugali ng pambansang kamao Manny Pacquiao.
Sa panayam sa kanya ng DZAR Sonshine radio ay ikinuwento ni Badua ang ilang pag-uugali ni Pacquiao.
“Ako kasi ‘yung uri ng tao na sasabihin ko sa kanya ‘yung mali,” ani Badua.
“Yun ang naging problema kay Manny, nakikinig siya sa mga tao niya na pinupuri siya like kanina napag usapan natin na naging singer siya all because sinasabi ng mga nasa paligid niya ‘boss Manny ang galing mong kumanta, gumawa ka ng album’, so gumawa nga siya ng album.” sabi ni Badua.
“May ibang bumubulong ‘ang galing mong artista, ang galing mong umarte pwede kang maging action star’ so gumawa siya ng pelikula. Lahat po ‘yun plakda,” dagdag niya pa.
Inilabas ni Badua ang kanyang akusasyon laban sa boksingero na naging pulitiko sa isang post sa Facebook. Sinabi niya na ginastos niya ang kanyang sariling pera sa mga serbisyong ibinigay niya para kay Pacquiao, na kasalukuyang nangunguna sa karera.
“Di pa ko bayad ng 3 months as Senate speech writer mo and 3 months as MPBL commissioner. Tapos nag abono pa ko sa mga meeting ng mga would be team owners sa mga restaurant na mamahalin gaya ng Mario’s, Via Mare, Annabel’s at iba pa,” pagbubunyag pa nito
Iginiit pa niya na siya ang nagbigay ng kompensasyon sa mga inept events staff para sa pagkagambala sa iskedyul matapos umanong iutos ng Senador na kanselahin ang pagbubukas ng MPBL ng apat na beses.
Ipinahayag pa ni Badua na hindi nakikinig si Pacquiao sa payo at ginagawa niya ang anumang gusto nito
“Kami rin nag abono sa bayad ng mga pobreng events team na nagblock ng schedule tapos apat na beses mo pinakansel opening ng MPBL noon. Ganun ka kagulo magmando sir. Walang sistema. Ayaw sumunod sa payo. Kung ano lang maisipan mo.” rebelasyon pa nito
Panoorin ang iba pang rebelasyon: