Kamakailan lang ay naging hot topic online ang panliligaw ni Aljur Abrenica kay Aj Raval. Matatandaang bago pang hiwalay sina Aljur at Ky...
Kamakailan lang ay naging hot topic online ang panliligaw ni Aljur Abrenica kay Aj Raval.
Matatandaang bago pang hiwalay sina Aljur at Kylie Padilla kaya naman ay hindi maiiwasan na matanong kung ano ang reaksyon ni Kylie sa pakikipag date na ni Aljur sa ibang babae.
Nagbigay naman ng reaksyon si Kylie Padilla sa isyung ito na kung saan ay agad namang nagtrending ang kanyang sinabi at napahanga ang ilang netizens sa katapangan niya.
Batay sa panayam,ayon kay Kylie ay gusto niyang maging masaya ang mister na si Aljur nakahiwalayan niya may ilang buwan na ang nakalilipas.
Komento ni Kylie: “Alam niyo, gusto ko lang maging masaya siya sa buhay niya.
“Kasi, siya pa rin ang tatay ng mga anak ko. Kahati ko siya sa pagpapalaki sa kanila.”
“And kung nararamdaman ng mga anak ko na hindi masaya yung tatay nila, aba, hindi ko gusto yun.
“Gusto ko maramdaman nila na happy yung tatay nila.”
"Kasi failure namin as parents yung nangyari, so kailangan na namin bumawi in some other way. Kailangan naming masaya in our own separate ways. Para makita nila buo pa rin sila, 'kasi happy yung parents ko,' ganun pa rin sila. Gusto ko ganun sila mag-isip,"
Ayon pa kay Kylie, hindi kasalanan ng mga bata ang nangyari sa pagsasama nila ni Aljur.
Sina Kylie at Aljur ay may dalawang anak sina Alas at Axl.
Reaksyon ng ilang fans: