Agaw pansin ngayon sa social media ang vlog ni Kuya Kim Atienza na kung saan ay ibinisto niya ang kinahihiligan ni Karen Davila. Sa kanyan...
Agaw pansin ngayon sa social media ang vlog ni Kuya Kim Atienza na kung saan ay ibinisto niya ang kinahihiligan ni Karen Davila.
Sa kanyang vlog ay ipinasilip ni Kim Atienza ang napakagandang bahay ng kapwa niya broadcast journalist na si Karen Davila.
Sa mga hindi pa nakakaalam, si Karen ay mahilig mangolekta ng mga art pieces na impluwensiya ng kanyang malapit na kaibigan na si "Kuya Kim."
Isa sa kanilang naibahagi ay ang 'Convoy' painting ng Pinoy artist na si Elmer Borlongan
"Pinakomisyon ko ito kay Elmer Borlongan the year 2002 and I waited two years para dito."
Doon ibinisto na ni Kuya Kim ang halaga na ngayon ng obra na nakuha ni Karen.
"Malamang hindi niya sasabihin ang presyo pero I'll give you an estimate. Noong pinagawa niya ito siguro ilagay na natin ito sa Php400,000 or even less."
"Kung ibebenta natin ito trabaho ni Elmer Borlongan ngayon, this will be more than Php10-15 million already. Hindi niya sasabihin, ako ang nagsabi," pagsisiwalat ni Kuya Kim
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay nito? Maari kang mag-iwan ng iyong komento.