Trending ngayon ang bali-balitang ugnayan nina Ivana Alawi at Joshua Garcia. Kinumpirma ni Ivana Alawi na may komunikasyon na sila ni Josh...
Trending ngayon ang bali-balitang ugnayan nina Ivana Alawi at Joshua Garcia.
Kinumpirma ni Ivana Alawi na may komunikasyon na sila ni Joshua Garcia bagamat hindi pa sila nagkikita nang personal.
Matatandaang nabuking na crush ni Ivana si Joshua sa second YouTube anniversary ng aktres noong August 29, 2021.
Nang mapanood ni Ivana ang video greeting sa kanya ni Joshua, hindi naitago ng aktres ang kanyang kilig.
Bahagi ng message ni Joshua kay Ivana:
"Follow me on Instagram! Kidding aside, I just hope you and your family are safe."
Tinotoo ang pag-follow nila sa isa't isa dahil inamin ni Ivana na may direct messaging (DM) sila ni Joshua sa Instagram.
Sa naging interview ni Ogie Diaz kay Ivana ay pinag-usapan nila si Joshua Garcia .
Sa mga binitawang pahayag ni Ivana, halatang bukas ang pinto niya kung sakaling ligawan siya ni Joshua.
Usisa ni Ogie, bakit “fanatic” si Ivana kay Joshua gayong may pangalan din naman siya?
“Para sa akin kasi, I’m a normal person. Meron akong mga crush, meron akong girl crush, and marami akong hinahangaan. Normal sa akin.” sagot ni Ivana
Sinabi din ni Ivana na hindi pa sila nagkita ni Joshua in person.
“Hindi pa,” sagot ng actress-vlogger na kitang-kitang kinikilig.
Sinabi ni Ivana na pangarap niyang makita at makasama sa teleserye si Joshua.
Inisa-isa ni Ivana ang mga nagustuhan niya kay Joshua.
“Cute yung mukha. At saka mabait siya.
“Nakita ko parang family-oriented, pero hindi ko masabi kasi hindi ko pa nami-meet personally.”
Paaalala ni Ogie, matangkad si Joshua, na may height na 6’.
“Okay lang yun,” kinikilig na sagot ni Ivana, 5’5”.
Nagbiro pa si Ogie na baka mag-expect si Ivana na kasama nila si Joshua at sosorpresahin ang aktres.
“Hindi, alam ko yun, ka-chat ko siya. Charing!” sabay tawa ni Ivana.
Natatawang hirit pa ng sexy actress-vlogger: “Alam ko, ano ka ba! Nasa taping siya. Wow, updated?!”
Sabay bawi niya, “Di ko alam yun.”
Diniretso si Ivana kung magka-chat sila ni Joshua, at hindi ito itinanggi ng aktres.
“Ano lang, friends...” sagot ni Ivana na sinundan niya ng makahulugang tawa.
Tanong ni Ogie, “Yung sa IG, DM lang kayo?”
Simpleng sagot ni Ivana, “Oo.”
Pakli ni Ogie, hindi ba sila nagkakapalitan ng mobile number?
Wala pa raw, sabi ni Ivana.
Usisa pa rin ni Ogie, “DM-DM lang?
“Yun… friends,” giit ni Ivana.