Radio personality DJ Chacha (real name Czarina Balba) pinag-alala ang mga fans sa nangyaring asksidente sa kanya. Ibinahagi ni DJ Chacha...
Radio personality DJ Chacha (real name Czarina Balba) pinag-alala ang mga fans sa nangyaring asksidente sa kanya.
Ibinahagi ni DJ Chacha kung paano siya na aksidente habang nagbibisikleta .
Ito umano ang kauna-unahang aksidenteng kinasangkutan ni DJ Chacha bilang isang biker mula nang mag-start siya magbisikleta para na rin sa kanyang kalusugan.
Ikinuwento ni DJ Chacha sa kanyang mga fans/followers na nangyari ang insidente nang sumali siya sa isang long-distance biking kasama ang ilan pang mga bikers.
Ibinahagi niya ang ilang litrato kasama ang kanyang bisikleta at ang mga sugat na tinamo mula sa pagkakaaksidente.
Pagbabahagi ni DJ Chacha,
“My first bike accident happened today. Ang ruta namin ay QC-Barasoain Church-QC. Excited ako kase siyempre first 80km ride ko. Napakasakit, Kuya Eddie. Char.
“Pero seryoso, mahapdi. Nadale ako ng lubak sa Bocaue, Bulacan. Hindi naman kabilisan yung takbo ko pero ang lalim ng lubak, hindi ako nakapreno agad. Kasalanan ng preno! Char!
“Ayoko naman isisi sa lubak pero sabe ng mga residente lagi raw talagang may naaaksidente sa area na ‘to ng Bocaue. Buti na lang walang mabilis na sasakyan sa likod ko dahil baka hindi lang ito inabot ko,” pahayag ni DJ Chacha sa caption.
“Pero ang nakakaloka kanina, pagtayo ko una kong inisip yung bike ko. Aguy, nu’ng nakita ko yung gasgas, mas humapdi yung sugat ko.” Saad pa nito
Ayon kay DJ Chacha, maswerte pa rin siya dahil minor injury lang sa hita ang kanyang tinamo at kaunting damage sa gamit niyang bike.
“The Lord really protected me today. Kahit may nangyaring ganito pasalamat pa rin kay Lord dahil nailaban pa rin makauwi kahit injured na.
“Lesson learned na rin talaga sakin at sa lahat ng Bikers po, doble ingat talaga tayo. Okay lang mabagal, maingat, dahan-dahan pero safe naman,” dagdag sabi nito.
Komento naman ng mga fans: