Isang pinoy nurse ang hinangaan ng netizens matapos niyang tulongan ang pasahero ng eroplano na nagka medical emergency. Batay sa naging ...
Isang pinoy nurse ang hinangaan ng netizens matapos niyang tulongan ang pasahero ng eroplano na nagka medical emergency.
Batay sa naging kwento ni James Vincent Sayson, isang Indian national daw ang sinisikap gisingin ng isang flight attendant pero sa tuwing magigising daw ito ay agad siyang nawawalan ng malay. Hanggang sa nagtanong na ang flight attendant kung may doktor bang pasahero.
Nang marinig ito ni James ay agad siyang tumulong. May doktor din daw na pasahero na lumapit kaya sila ay nagtulungan para suriin kung ano ang nangyayari sa pasahero.
At inassess daw nilang dalawa ang pasahero, at parehas na suspetya nila na nag hypoglycemia ang nasabing pasahero o bumaba ang kanyang sugar sa dugo.
Binantayan nina James ang pasahero, at napag-alamang hindi nito natututukan ang pagkain habang bumibyahe.
Dahil dito ay naisip naman ni James na ibahagi ang karanasan sa social media para maging paalala at inspirasyon sa mga kapwa estudyante.
“ ...Remember the duty that we possess to those around us and how we can affect those in need, because even one small act can make the make a difference. Give it your best, yun lang masasabi ko.” saad ni James.