Ang Star Magic sa ABS-CBN entertainment production head at sikat na director na si Laurenti “Lauren” Dyogi ay naging laman sa social media m...
Ang Star Magic sa ABS-CBN entertainment production head at sikat na director na si Laurenti “Lauren” Dyogi ay naging laman sa social media matapos inamin kamakailan sa isang panayam na labis siyang nasaktan sa mga ginawang paglipat ng mga talento ng Kapamilya sa iba pang mga network.
Inihayag ni Laurenti Dyogi, Star Magic at production head ng ABS-CBN ang kanyang nararamdaman hinggil sa mga Kapamilya star na nagsilipatan na sa ibang mga network.
Sa isang panayam kay Toni Gonzaga, sa Toni Talks ng huli, sinabi ng direktor na siya ay "labis na nasaktan."
Sinabi niya na marahil, lumala ang sakit na nararamdaman dahil ang network ay dumaranas ng paghihirap na nawala ang bid sa prangkisa.
Inaasahan niya na ang sinumang makasama nila sa mga oras ng paghihirap, ay siya ring makakasama sa kanila nang tuluyan kabag makabangon ng muli ang ABS-CBN.
“I suppose when the boat is sinking, you can’t expect everybody to stay in the boat, to stay with you. Huwag mo na tatanungin kung sino, ha," sabi niya kay Toni
“As I said, tao ako, masakit talaga. Especially doon sa mga taong kinausap ko na one, two, or three times. Masakit talaga. And sana lang, ako kasi, from the onset, sabihin mo na lang na hindi mo kaya," saad pa ni director Lauren
Sa kabila nito, Direk Lauren wished them well sa mga kapamilya artist na iniwan ang ABS-CBN at nasa ibang network na.
Reaksyon naman ng ilang Netizens
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo sa usaping ito? Huwag mahiyang magbigay ng komento.