Naglabas ng ilang mga mensahe si Cristy Fermin kina Alex Gonzaga at Lipa City Councilor Mikee Morada kasunod sa balitang nagka miscarriag...
Naglabas ng ilang mga mensahe si Cristy Fermin kina Alex Gonzaga at Lipa City Councilor Mikee Morada kasunod sa balitang nagka miscarriage ang actress na si Alex.
Sa episode ng “Cristy Ferminute” ay nagpaabot ng pakikiramay si Cristy kina Alex at Mikee dahil sa nangyari.
“Tayo naman ang wish naman natin ay malampasan nila nang maayos ito,”
Gayunpaman, hindi mapigilan ng talk show host ang pag-usapan ang tungkol kay Lolit Solis na naunang humimok para sa pag-post tungkol sa pagkalaglag ng anak ni Alex bago pa kinumpirma nito ang kanyang miscarriage.
Matatandaang inulan ng batikos si Lolit Solis sa ginawa niyang pagsiwalat sa nangyari kay Alex.
Kaya naman ay nagbigay din ng mainit na mensahe si Cristy Fermin tungkol sa naging reaksyon nina Alex at Mikee nang isiniwalat ni Lolit Solis ang miscarriage ni Alex.
“Dinidiretso lang po natin, kinailangan lang po nating ibalik 'yung isyu dahil ang nalagay po rito nitong mga nakaraang araw at linggo, nalagay sa alanganin si Manay Lolit. Na sa kabila ng maganda niyang intensyon hindi siya naunawaan.” sabi ni Cristy
“Saka 'wag kayo nagagalit. 'Wag kayo naiinis, 'wag kayo napipikon kapagka may mga manunulat na nagtatanong, nang-uusisa tungkol sa kalagayan niyo. " dagdag sabi
"Tignan niyo oh, heto kayo ngayon, kung ano-anong mga retrato ang pinaglalalabas niyo. Sa ospital, paglabas, ibinabahagi niyo rin sa publiko kasi alam niyo na public figure kayo."
"Pareho kayo, pati si Konsehal. Public figure, ayan, nasa ano 'yan, nasa kanaturalan, naturalesa ng inyong trabaho na talagang uukilkilin ang inyong personal na buhay.”
Panoorin:
Anong masasabi mo sa naging pahayag na ito ni Cristy Fermin?