--> Celebrities, Nawindang sa Pinagsasabing ito ni Andrea Brillantes sa Publiko- Ogie Diaz,sinupalpal si Andrea | ChikaTime

Celebrities, Nawindang sa Pinagsasabing ito ni Andrea Brillantes sa Publiko- Ogie Diaz,sinupalpal si Andrea

Kamakailan ay nag-react si Ogie Diaz sa kontrobersyal na "plastik" na komento ni Andrea Brillantes tungkol sa industriya ng showbi...

Kamakailan ay nag-react si Ogie Diaz sa kontrobersyal na "plastik" na komento ni Andrea Brillantes tungkol sa industriya ng showbiz.


Dito ay napag-usapan nina Ogie at Mama Loi ang isyu sa kanilang pinakabagong showbiz update vlog.



“Kasi nga nag-assume yung mga tao na parang wala raw siyang friends sa showbiz, sinagot naman yun ni Andrea,” sabi ni Mama Loi 


Ayon kay Andrea, lumaki siyang walang kaibigan, at hindi mahalaga sa kanya ang pagkakaroon ng maraming kaibigan.


“Kasi nga, believe it or not, alam niyo naman maraming plastik sa showbiz.” Saad ni Andrea


Sinabi ni Ogie na sa panahon ngayon, showbiz is being magnified as “plastik” since it is the “world of make-believe.”


“Sa ibang larangan din, meron din namang ganun. Oo, bakit sa isang opisina ba walang plastik? Lahat totoo? Sa politika ba, walang plastik lahat totoo? Eh diba yung iba nga, corrupt."

 

 

"O, diba? So gusto ko lang sabihin dito kay Andrea na anak, hindi mo na kailangan ipaggiitan yan. Kahit saang larangan, kahit sa school, kahit sa trabaho, may plastik.” Saad ni Ogie

“Minsan alam mo, tatanungin mo rin sa sarili mo, Andrea, ‘Baka ako yung may diperensya? Baka kaya ayaw nila sakin eh kasi nga yun attitude ko na parang inuunahan ko na sila na baka hindi sila totoo sa akin.’" saad ni Ogie


"Eh pagka ganun tayo lagi, eh ibig sabihin lahat na lang ng lumalapit satin, pagdududahan natin, na yung lapit nila o yung pakikipagkaibigan nila satin. Eh hindi nga tayo makaka-produce ng totoong kaibigan kasi nga hinaharang agad natin yung friendship nila.” dagdag sabi 

 





Panoorin ang video: