--> Brenda Mage, Pinag-Uusapan Ngayon Matapos ang Kabast0sang Ginawa sa Loob ng PBB House | ChikaTime

Brenda Mage, Pinag-Uusapan Ngayon Matapos ang Kabast0sang Ginawa sa Loob ng PBB House

   Inuulan ngayon ng batikos sa social media ang komedyante na si Brenda Mage dahil sa sinabi nito sa isa sa mga kasama niya na contestant s...

 

 Inuulan ngayon ng batikos sa social media ang komedyante na si Brenda Mage dahil sa sinabi nito sa isa sa mga kasama niya na contestant sa Pinoy Big Brother (PBB) Season 10.

 


 Sina Brenda at Eian ay kabilang sa unang set ng celebrity housemates na pumasok sa loob ng bahay ni Kuya nang magbukas ito noong October 16, 2021.



Si Brenda, tinatawag na “Fun-Along Comedian ng Cagayan de Oro,” ay unang nakilala sa pagiging finalist ng “Miss Q&A” sa It’s Showtime.



 

 Si Eian, ang tinaguriang “Striving Streamer ng Quezon,” ay isang talent ng Star Magic na nakilala sa kanyang streams sa video streaming app na Kumu.

 

Ngayon ay ag viral sa social media ang video na kuha sa loob ng ‘Bahay ni Kuya’ kung saan ay makikita si Eian Rances at Brenda na magkausap.

Makikita na ilang beses napakamot ng ulo si Eian dahil sa tila hindi magandang mga tanong ni Brenda sa kanya.



“Sige na, kahit isang beses lang. Gusto ko yung mukha mo. Paano kapag nag-inuman tayo tapos paggising mo, hawak ko na, lasing ka?”

Sumagot naman si Eian at sinabi na “Huwag naman ganu’n”.

Patuloy parin ang pagtatanong ni Brenda sa kasamahan niya.



“Paano kapag nalasing tayo? Tuloy o tigil? Hawak mo na, anong tuloy o tigil?! Kaya nga, hawak ko na. Tuloy o tigil?” paulit ulit na tanong ng komedyante.

Dahil dito ay naging seryoso na ang sagot ni Eian at sinabi kay Brenda na wag na wag gagawin ng komedyante ang binabalak niya kahit sa ibang tao.



“Huwag kang ganu’n, masama yun kasi… hindi lang sa akin huwag mong gagawin yun.” sagot ni Eian.



Ngunit hindi parin tumigil si Brenda, “Kaya nga, anong gagawin mo nga?” at sinagot naman ito kagad ni Eian ng, “Hawak mo na, e!”

Pero tila makulit si Brenda at ayaw nitong itigil ang pagtatanong ng, “Kaya nga, hawak ko pa lang naman, e. Tuloy o tigil?”


Bakas na kay Eian ang pagiging seryoso kahit na tinatawanan niya na lamang ang mga tanong sa kanya ng komedyante.


“Anong tuloy o tigil? Una sa lahat huwag mong gagawin yung hawakan mo,” babala ni Eian kay Brenda.


Sinabi pa ng aktor na masisira ang kanilang pagkakaibigan kapag ginawa ni Brenda ang maitim na balak niya.



Sa huli ay tila napagtanto ni Brenda na hindi niya talaga makukuha ang gusto niya kay Eian.
“Okey lang, nabuhay naman ako nang wala ka.” sabi ng komedyante sa aktor.


Reaksyon ng ilang Netizens:







Anong masasabi mo kaugnay sa ginawang ito ni Brenda Mage? Huwag mag atubiling magbigay ng komento.