Si Toni ay nakaharap sa mainit na intriga matapos niyang i-upload sa social media ang kanyang Toni Talks vlog na nagtatampok ng anak ng dat...
Si Toni ay nakaharap sa mainit na intriga matapos niyang i-upload sa social media ang kanyang Toni Talks vlog na nagtatampok ng anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos na si Bong Bong Marcos.
Ang interview na iyon ni Toni ay hindi nagustuhan ng mga kritiko ng pamilyang Marcos at ng iba pang netizens.
Dahil dito ay nakatanggap si Toni Gonzaga ng mga batikos. Maging ang Ateneo Martial Law Museum ay naglabas ng isang open letter tungkol sa ginawang interview ni Toni.
Sa isyung ito ay ipinagtanggol ng talent manager na si Ogie Diaz ang tv-host actress na si Toni Gonzaga matapos itong batikusin dahil sa interview nito kay Bong Bong Marcos.
Sabi ni Ogie:
"Kahit naman ako si Toni Gonzaga, bakit ko iinterbyuhin ang mga Martial Law victims?
Andu'n na ako. Na wala ako doon. Na naiintindihan ko sila. Na somehow, alam ko din yon, kahit 2yo pa lang ako at that time at nalaman ko lang nung malaki na ako. Na nakikidalamhati tayo.
Ano ba ang gusto nilang ikorek ke Toni eh nagtatanong lang naman yong tao? Kung feeling ng ibang netizens at historians na mali si Toni, mali ng claim si Bongbong Marcos, eh di gawa rin kayo ng youtube channel, tirahin n'yo si Toni, boldyakin n'yo si Bongbong.
Ilabas n'yo yung mga itinatago n'yong ebidensiya ng mga biktima ng Martial Law at ipamukha n'yo kay Toni o kay Bongbong at i-remind n'yo uli yung sambayanang Pilipino sa madilim na kasaysayan ng bansa nu'ng Martial Law. Di ba, mas okay yon? Mas kumpleto n'yong maipe-present ang kasaysayan noon.
Pero 'yung i-demand n'yo kay Toni na interbyuhin din niya ang mga biktima o pamilya ng mga biktima ng Martial Law, di ba, ka-oeyan yan? Unless pagbigyan kayo ni Toni. Choice niya na yon, dahil siya may-ari ng channel niya.
Tingnan n'yo, kakasita n'yo kay Toni, ang daming na-curious, pumunta sa yt channel ni Toni, pinanood nila yung Bongbong interview, nakadagdag pa ng views.
So, ano? Dapat ba may isyu rin nu'ng unang panahon si VP Leni Robredo para manganak din ang number of views nito sa one-on-one interview nito with Toni a few weeks ago?"
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito?