Viral ngayon sa social media ang reinanay contestant ng It's Showtime na si Marilyn Lagsa matap0s malaman ng publiko na 10 yrs na umanon...
Viral ngayon sa social media ang reinanay contestant ng It's Showtime na si Marilyn Lagsa matap0s malaman ng publiko na 10 yrs na umanong hindi ito nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak.
Naging agaw atensyon din naman si Ruffa Gutierrez matapos niyang pagsabihan ang reinanay na ito.
Na-high blood si Ruffa Gutierrez sa isang contestant ng kung saan ay isa siya sa judges along with Janice de Belen and Amy Perez.
Nang malamang hindi sinusuportahan ng contestant na si Marilyn Lagsa ang kanyang mga anak na halos sampung taon nang nakatira sa kanyang ina ay nainis si Ruffa at na h1gh-bl00d siya nito.
Sa show ay On-air na nakiusap ang ina ni Marilyn na magbigay naman ng sustento sa kanyang mga anak dahil pandemic ngayon at hindi sila nakakapagtinda ng buko salad.
“Wala po kaming masyadong kinikita. Ang kinikita po namin, pang-ulam, bigas, pang-araw-araw na budget,” saad ng ina ni Marilyn na nai1yak pa ang pagkasabi nito
Dahil sa awa nina Vice Ganda at Kim Chiu sa ina ng contestant ay nangako sila na magbibigay tulong.
Si Vice ay magpapadala ng bigas habang si Kim naman ay groceries .
Nang mahingan na ng comment si Ruffa, talagang hindi niya napigil ang sarili at tinalakan ang contestant.
“Alam mo, Marilyn, habang pinapakinggan kita, naha-high blood ako pati si ate Janice at si Ate Amy. Kasi iniwan mo lang ang mga anak mo sa nanay mo for 10 yrs na hindi mo sinusustentuhan. Alam kong mahadera kang sumagot kina Vice kanina pero naha-high blood ako dahil maawa ka naman sa nanay mo,” talak ni Ruffa sa contestant.
Pinangaralan din niya ito at sinabihang kunin na ang mga anak sa nanay nito.
“Alagaan mo sila kasi anak mo sila, eh. Hindi naman sila anak ng nanay mo. Okay lang na magbigay ka ng anak sa nanay na mayaman. Pero ‘yung nanay mo, nakikita mo hirap na hirap na siya. So, please take care of your kids at kunin mo na sila,” payo ni Ruffa.
Sa sobrang pagka-imbiyerna ay nag-tweet pa si Ruffa habang ongoing ang show.
“Nakaka BADTRIP. Love your children. Nurture them, care for them, DO NOT ABAND0N THEM,” ang tweet ni Ruffa.
Panoorin ang video na ito:
Anong masasabi mo? Tama nga ba ang ginawang ito ni Ruffa? Anong sa tingin mo ang ginawang ito ng Reinanay at anong maipapayo mo?