Ang hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes ay nagbunsod ng iba`t ibang reaksyon mula sa mga netizens. Nalungkot ang maraming tao dahil si...
Ang hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes ay nagbunsod ng iba`t ibang reaksyon mula sa mga netizens. Nalungkot ang maraming tao dahil sila ay isang imahe ng isang masayang pamilya kasama sina Aki at si Summer.
Si Aki ang panganay na anak ni LJ kay Paulo Avelino at si Summer naman ay anak nila ni Paolo Contis.
Kinumpirma ni LJ Reyes na naghiwalay na sila ni Paolo Contis.
Kasalukuyan siyang nasa New York kasama sina Aki at Summer nang maramdaman niya na kailangan niya itong gawin para sa kapakanan ng kanyang mga anak.
Ayon sa aktres, naramdaman niya na tila nagbabago na si Paolo Contis sa kanila.
Inulan naman ng sari-saring komento ang mensahe ni Paolo Contis para kina LJ.
Sa kanyang social media post ay humingi ng paumanhin ang aktor sa lahat na na-drag sa isyu.
Nag-post din siya ng mensahe para sa mga bata at pati na rin kay LJ. Tungkol kay Summer, humingi siya ng tawad at ipinangako sa kanyang anak na palagi siyang nandiyan para sa kanya at gagawin niya ang kanyang makakaya.
Para kay Aki, humingi siya ng paumanhin dahil sa nabigo niya ito .
“To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat,”
Komento ng ilang mga Netizens: