Naging emosy0nal ang aktres na si Maricel Soriano habang isinalaysay niya ang tungkol sa pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay. Hindi ...
Naging emosy0nal ang aktres na si Maricel Soriano habang isinalaysay niya ang tungkol sa pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay.
Hindi ikinahiyang aminin ni Maricel na naligaw siya ng landas at hindi niya itatangi ang kanyang mga karanasang ito.
Ipinagpapasalamat din nang malaki ng Diamond Star na nabigyan siya ng second chance sa showbiz matapos makabangon sa dark phase na iyon ng kanyang buhay.
Inamin ni Maricel na naligaw ang landas niya nang pumanaw ang kanyang ina.
Namatay ang ina ni Maricel na si Rosalinda Dador Martinez, sa edad na 65, dahil sa cardiac arrest noong July 19, 2009.
“Hindi ko matanggap. Nakalimutan kong mag-escape. Ibang escape ang napuntahan ko.
“Napunta ako sa escape na gloomy, masalimuot, madilim. Mag-isa ka lang.
"Hindi maganda. Malungkot ako para sa sarili ko,” lahad ng aktres sa kanyang YouTube channel na in-upload noong September 10, 2021.
Pinagsisisihan daw ito ni Maricel, pero sa kabilang banda ay ipinagpapasalamat din niyang naranasan niya ito.
“Hindi ako magiging ganito kung di ko dinaanan ‘yon. Naiiyak ako dahil hindi talaga maganda ang pinuntahan ko,” sabi ng aktres.
Ngunit hindi niya naman idinetalye kung ano nga ba ang madilim na pinagdaanan pa niyang iyon.
Gabi-gabi raw siyang nasa tabi ng ina nang magkaroon ito ng karamdaman.
Nabalot daw ng takot si Maricel kung maunang pumanaw ang ina. Sandalan daw kasi niya ang ina.
“Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay kung wala yung nanay ko,” ani Maricel.
Kwento pa ni Mariel ay nagsimula raw ayusin niya kanyang sarili nang makitang nababahala na ang kanyang dalawang anak na sina Marron at Sebastien.