--> Luis Manzano, Inulan ng Komento Matap0s Itong Nagmamaka-awang Panoorin ang Kanyang Vlog... | ChikaTime

Luis Manzano, Inulan ng Komento Matap0s Itong Nagmamaka-awang Panoorin ang Kanyang Vlog...

Si Luis Manzano ay umani ng mga komento mula sa mga netizens online matapos na mai-upload ang kanyang "vlog for a cause" sa YouTub...

Si Luis Manzano ay umani ng mga komento mula sa mga netizens online matapos na mai-upload ang kanyang "vlog for a cause" sa YouTube. 


Naging agaw atensyon si Luis Manzano nang humingi ito ng tulong sa kanyang mga tagasuporta, pati na rin ang mga netizen, na panoorin at ibahagi ang hamon na "Guilty o Not Guilty" sa kanyang mga kaibigan sa social media.




Ayon sa Kapamilya aktor-host, lahat ng nalikom ng nasabing vlog ay ibibigay sa pamilya ni Sopia Amano, isang bata na maraming komplikasyon na nakita niya sa online

Saad ni Luis:


"Hi guys, agad-agad, pakiusap ko sa inyo please, panoorin niyo 'tong vlog na 'to. "

"Nagmamakaawa po ako, hindi po 'to clickbait, hindi po 'to pa-cute, hindi po 'to may punchline sa dulo. “

 
"Nagmamakaawa ako please watch and share this vlog. Bakit? Dahil one time, nasa social media po ako, may nakita po ako isang batang babae, 5 years old na si Sopia Amano. “


"Nakita ko po si Sopia eh nakalabas po yung tiyan dahil nagkataon po na si Sopia, ipinanganak na walang butas sa kanyang likuran, kaya kailangan ilabas ang kanyang tiyan para mailabas ang dumi niya." 


"So ang gusto ko po sanang mangyari, lahat ng kikitain ng vlog na 'to ay ibibigay ko po sa kaniyang pamilya. Dahil kung saka-sakali man, kailangan po niya ng operasyon"

"Nabalitaan ko pa na may kaunting komplikasyon pa si Sopia. Kaya medyo mahirap-hirap 'yung kailangan gawin para sa kanya."



"Lahat po ng kikitain ng vlog na ito, ibibigay ko sa kanya. Please. Kahit wala kayong pake sa akin, okay lang. Wala kayong pake sa barkada ko na ilalagay ko sa vlog na 'to, okay lang,"

 Talagang umani ng papuri si Luis Manzano sa ginawa niyang ito.

 

Reaksyon ng ilang Netizens:








Panoorin ang video:

 


 

 

 Anong masasabi mo tungkol sa ginawang ito ni Luis Manzano? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.