Sa episode ng Kapuso late-night talk show na The Boobay And Tekla Show (TBATS) ay hindi pinalampas ni Brenda Mage ang pagkikita nila ni ...
Sa episode ng Kapuso late-night talk show na The Boobay And Tekla Show (TBATS) ay hindi pinalampas ni Brenda Mage ang pagkikita nila ni Bea Alonzo sa episode na ito.
Alam natin na parehong dating Kapamilya sina Bea at Brenda.
Si Bea ang naging main guest, habang si Brenda ay isa sa mga guest comedian sa episode ng show nina Boobay at Super Tekla.
Sa episode ay panandaliang iniba ni Brenda ang usapan na naka-focus para kay Bea.
Dito ay inilabas na ni Brenda ang kinikimkim daw niyang “sama ng loob” kay Bea noong kapwa nasa bakuran pa sila ng ABS-CBN.
Biro ni Brenda, may kinalaman daw ba si Bea sa pagkatalo niya sa "Miss Q and A" dalawang taon na ang nakalilipas?
Ang "Miss Q and A" ay ang gay contest sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.
Tanong ni Brenda kay Bea:
“May tanong lang ako. Maiba naman tayo. Kasi natalo ako dati sa 'Miss Q and A,' siya yung isa sa judge, ikaw ba yung nag…?"
Biro pa ni Brenda:
“Hanggang ngayon hindi ako maka-move on kasi…”
Kitang hindi inasahan ni Bea ang birong ito mula kay Brenda kaya napahalakhak na lang ang aktres.
“May sama ng loob nung nasa kabila siya.” hirit naman ni Boobay
“Siya ba yung judge noon?" tanong naman ni Tekla kay Brenda
Sagot ni Brenda: “Isa siya [Bea] sa mga judge at parang nakita ko talaga yung score niya, parang 'zero' ang nilagay.
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.